Untitled Part 70

1.9K 93 13
                                    


SA Carinderia ni Caring natapos ang mahigit isang oras nilang biyahe. Sarado na ang kainan, may isa lang bombilya sa harapan. Hinubad ni Paige ang helmet niya pero hindi agad siya bumaba ng motor, niyakap muna niya ng mahigpit mula sa likuran si Wendell.

"Thank you! Thank you talaga!"

Hinubad rin nito ang helmet at nilinga siya, "Wala pong anuman. Basta ikaw."

"Shut up." Bumaba na si Paige. "Hindi biro 'tong ginawa mo para sa 'kin."

"Hindi naman ako naniniwalang killer ka at sira-ulo."

"'Yung killer, hindi talaga. 'Yung sira-ulo...."

Tumawa si Wendell. Sabay silang naupo sa harapan ng karinderya. Kinuha nito sa bulsa ang cell phone, may idinayal at ibinigay sa kanya, "Kausapin mo na boyfriend mo."

Kinuha niya ang cell phone, "Sira, hindi ko boyfriend 'to." Nakinig siya sa ring at, "Hi, Ty."

"Paige! Nand'yan na kayo?"

"Oo. Kakarating lang."

"Shit! I can't believe it...nand'yan na 'ko. On the way na."

"Okay, see you! At thank you!" Ibinalik niya kay Wendell ang cell phone, "Thank you rin talaga, Wendell." Ulit niya sa lalaki. "Sa totoo lang, kinakabahan ako na hindi n'yo masunod 'yung plano kasi, wala akong cell phone, hindi ko mapa-follow up."

"Kinakabahan rin ako na baka mali ang intindi ko. Kulang na lang ay maglulundag ako kanina nung nakita ko ang signal mo."

"We did it." Aniya, hindi pa rin makapaniwala. Kumapit siya sa braso ng lalaki, "At 'wag kang mag-alala, kahit mahuli ako, hindi ka madadamay." Sinigurado niya iyon kaya ito ang itinalaga niyang sundo at sa Tagaytay pa siya nagpasundo. Hindi puwedeng madawit sa kaso niya si Wendell at ito mismo ay makasuhan. He could not afford it. Unlike Ty, na may pera at impluwensya maski paano ang pamilya.

"'yan na s'ya." Inginuso ni Wendell ang palapit na headlights.

Mayamaya ay huminto sa harap nila ang Montero. May kaunting yupi sa likod at may nakadikit pang flecks ng putting pintura. Bumaba si Ty. Sinalubong ito ni Paige ng yakap, "Thank you so much!"

"Maliit na bagay." Sabi ni Ty. "I'm just happy that you're here." He squeezed her tight. Nang kumalas sa kanya, nakipagkamay naman ito kay Wendell, "Salamat, bruh."

"Walang anuman."

Nagtapikan pa ng balikat ang dalawang lalaki.

"Paano, una na ko." Sabi ni Wendell. "Balitaan n'yo na lang ako."

Niyakap muna uli ito ni Paige bago niya hayaang sumakay sa motor, "See you soon. Wish me luck."

"Good luck."

"Ingat ka." Hinintay muna niyang makaandar ang motor bago niya binalingan si Ty, "Kumusta?"

"Eto, walang lisensya." Ngingisi-ngisi ito.

"Sorry about that." Kailangang maaberya si Doc Helen para ma-late sa session nila at abutin sila ng dilim. Meaning, kakaunti ang makakasalubong niya sa hallway, less ang chance na may makapansin na hindi siya si Doc Helen.

Obvious na mas matanda sa kanya si Doc Helen pero kaunti lang ang diprensya ng height nila at ganoon rin halos sa pangangatawan. Dahil yata sa lemon water kasa slim ang psychologist. May kaunti lang bilbil sa tiyan si Doc Helen. Pareho lang rin sila ng buhok, long bob. At napaka-universal ng ganoong buhok, baka eighty percent ng mga babae sa mundo, hanggang balikat ang buhok at walang bangs.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now