Untitled Part 53

944 44 0
                                    


HOW are you po, Tita?" Yumuko si Amber para i-beso ang ginang pero umiwas ito.

"Where is it?" Tanong agad nito, walang balak bumaba sa sasakyan.

Kinuha niya sa front seat ng Outback ang watertight pouch. Iniabot niya kay Tita Monique.

Nanginginig ang mga kamay nito. Niyakap muna ang pouch bago iyon binuksan. Kinuha ang laman sa loob. Leather-bound journal.

"Oh, God--" anas nito, mas naging pronounced ang panginginig.

"Um, you look really tired, Tita." Kulay abo ang balat nito, nangingitim ang paligid ng namumulang mga mata.

Tita Monique looked up, "Thank you. For this." Tukoy nito sa journal ni Blanche. "I...um...appreciate this." Hinaplos nito ng nangangatal na kamay ang pabalat.

"I'm serious, Tita." Sabi pa ni Amber, "You should rest."

Nag-angat uli ito ng tingin at, "I need to go."

"Yes, Tita."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now