Untitled Part 64

1.2K 70 6
                                    


ISA lang naman ang inaabangan ni Paige sa kanyang morning walk sa buong hawla. Hinahayaan naman sila na maglakad-lakad doon tuwing umaga dahil kargado naman sila ng mga pampakalma. Mayroon doong mga mesa para sa mga board games. Mabango at sariwa ang hangin dahil sa mga puno. Kung walang wire fence, para lang iyong ordinaryong park kung saan puwedeng mag-picnic ang mga tao.

Gaya nang mga naunang araw, on the dot lumapit sa bakod si Doc Frankie. He was outside the fence since he belonged to non-criminal offenders. Pagala-gala lang ang mga iyon sa buong compound, treated like regular folks and given tasks, depende sa skills na alam.

"How are you today?" Bati nito kay Paige.

"I'm feeling better, Doc."

"Im not really a doctor, you know that don't you?"

"But you're better than most doctors."

"Do you need the phone again?"

Nakapagpuslit ito ng cell phone kahapon at nakatawag siya kay Wendell. Sana lang, magawa ni Wendell ang mga pinapagawa niya.

"No, Doc. What I need is sleep. I can't sleep....i don't want to fall asleep. I get nightmares. I need stronger meds to put me to sleep, Doc."

Mataman siyang pinagmasdan ni Doc, "What are you up to?"

"Nothing. I just want to sleep."

"You should pray."

"Doesn't really work."

Tumango si Doc Frankie, "I thought so."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now