Untitled Part 50

1.1K 56 1
                                    


GINAYA lang ni Paige sina Amber kapag pumapasok sa mga establishment sa Pueblo. Balewala. Astang sanay na sanay kung hindi man akala mo ay ang mga iyon ang may-ari ng pinapasok.

Naghagdan siya hanggang second floor. Nasa landing na siya at iniisip kung tutuloy pa siyang umakyat o bababa na lang siya hanggang basement.

Wala talaga siyang plano. Kaya mukha siyang tanga na nakatayo doon. Talk about acting like she belonged. She was totally failing it.

"Ma'am?"

She turned. Lalaki. Pababa sa hagdan. Naka-overalls, may dalang tool box.

"Uh...hinahanap ko si Alvin." Aniya.

"Fifth floor, Ma'am. Dun ako galing."

"Ah, sige. Salamat." Umakyat na siya.

"Hindi ka mag-elevator, Ma'am?"

"Hindi, okay lang."

Tatlong lalaki ang nasa landing ng fifth floor. Pawang naka-overalls. Nasa ladder ang isa, nasa sahig ang isa, may inaassemble na kung ano. Nakatingala naman ang isa pa, may hawak na drill. Patay pa.

"Sino si Alvin?" Tanong ni Paige.

"Sino nagtatanong?" Tanong ng may inaassemble sa sulok. May katabi pa ito na mga kahon na sa loob ng mas malaking kahon. Base sa pictures sa mga kahon, camera ang ikinakabit. CCTVs.

"Ako. Si Paige." Aniya. "Ikaw si Alvin?"

"Yes, Ma'am."

"Ahmmm, matagal pa kayo matapos?"

"Hanggang bukas pa. Bakit?" Natatawa ito pero halata ring nagtataka kung sino siya.

"Magbayad ka raw ng utang sabi ni Wendell."

Naghagalpakan ang dalawang kasama ni Alvin.

"Kung wala ka pang pambayad, kausapin mo na lang ako." Naupo siya sa isang baitang, "May itatanong kasi ako. Atin-atin lang."

Napa-HAHA si Alvin.

Kanda ngiti si Paige. Hindi niya kailangan mag-astang sosyal kapag workers ang kaharap niya. Kailangan lang niyang maging natural at totoo. She was one of them.

"Alam n'yo naman siguro 'yung tungkol sa...tumalon mula sa rooftop." Umpisa niya.

Nawala ang ngiti ni Alvin. Lumungkot at...totoo ang lungkot, "Si Ma'm Blanche." Sabi nito.

Tumango si Paige, "Inutusan ako ng mama n'ya na magtanong-tanong dito kung may napansin kayong unusual that day. Anything na pupuwedeng mag-suggest na may foul play...siguro, hindi lang matanggap ni Tita ang nangyari. Still, gusto ko s'yang tulungan. Nag-promise naman s'ya ng reward sa makakapagbigay ng any information." Imbento na niya iyon. Pero sasabihin niya kay Tita Monique. These workers could use a little 'extra'.

"Hindi na kailangan basta para kay Ma'am Blanche." Sabi ng kasama ni Alvin na nasa hagdan. Nasa late thirties na manong.

"Po?"

"Maraming natutulungan sa amin si Ma'am Blanche. Mabait 'yon. Pag malapit na ang birthday nun, susulat na kami dun tapos pipili s'ya ng tutulungan. Pag Pasko, pumupunta 'yon sa mga baranggay malapit dito, nagdadala ng mga regalo."

Hindi makaimik si Paige. Si Blanche? Then she remembered...ang mga empleyado na nakita niyang nagdadala ng mga bulaklak at nagtitirik ng kandila kung saan bumagsak si Blanche. Kaya pala.

"Hindi na nun pinapaalam sa lahat. Walang camera. Basta tutulong lang 'yon." Sabi naman ni Alvin. "Yung iba kasi, may mga cameraman. Makikita mo na lang sa Facebook."

"Tingin n'yo? May foul play?" Aniya.

"Hindi naman namin masasabi."

"Baka may napansin kayo or something? Anything?"

Si Manong na nasa hagdan ang sumagot. Tumigil ito sa tine-tape na wiring sa kiseme, "May nakita ako sa basement bago 'yun. Parang babae, mahaba ang buhok, eh. Nakaitim. Umakyat sa hagdan. Hindi ko masyadong nakita, am'bilis, eh. Parang namalikmata nga lang ako..baka 'kako anino lang."

"K-Kailan po 'yun? Before tumalon si Blanche o after?"

"Bago."

"Kaso--" tumingala si Paige, "Wala pang CCTV that time."

"Pinatanggal nila, eh. Wala namang problema kung ako ang tatanungin."

"Gusto lang pagkakitaan." Sabad ng isa pang lalaki.

"Sino po kaya?"

"Taga-Engineering rin siguro. Galing dun ang memo na tanggalin, eh. Papalitan raw dahil low-res 'yung dati."

"Engineering...de sa Solano nagtatrabaho." Aniya.

Nagkibit-balikat lang ang lalaki.

Solano. Lagi na lang Solano.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now