Untitled Part 68

1.2K 67 5
                                    


I'M thinking a lot about my future...kung may future pa ako." Sabi ni Paige kay Doc Helen. Duktor ito dahil sa PhD, hindi sa medical degree. Psychologist hindi Psychiatrist.

"That's exactly what we're working on." Sabi ni Doc Helen, napatitig sa tumbler ng lemon water. Ilang hiwang lemon ang nasa tubig, si Paige ang nangangasim para sa psychologist.

"Parang gusto kong maging psychologist." Aniya. "Pero problemado ako sa psychology, Doc. Parang hindi totoo."

Tumaas ang isang kilay nI Doc Helen, "Hindi totoong...science?" Uminom uli ito ng lemon water,

"Kasi po, gaya ng happiness. Paano po nasusukat 'yon? Iba-iba naman ang concept ng mga tao ng happiness or satisfaction nila sa buhay. Saan galing ang measurement? Sino ang nagtakda? Samantalang sa... Accounting halimbawa, precise. I mean, nakikita nila kung ano ang kinukuwenta nila. May value, hanggang huling sentimo accounted for."

Uminom uli si Doc Helen. Malakas ang pananalig sa lemon power, "Well, I must admit we rely on statistics and it's very limiting." Sumandal ito sa upuan, "Our findings are what they call unquantifiable."

"Kung disease po ang depression, ano ang silbi ng psychologists? Gamot ang kailangan ng pasyente, hindi ka naman nagrereseta ng gamot."

"Severe depression requires a psychiatrist. Most of the time, I work together with one. Gaya sa kaso mo." Pumikit ito. "And I want to talk about that, Paige."

"Nasabi ko na po ang nangyari. Pinapunta ako ni Amber doon sa access road nung gabing 'yun. Pagdating ko doon, wala s'ya. Nakita ko ang sasakyan ni Tita Monique, nakabukas. Nakalawit pa ang ulo n'ya sa upuan.

"Paglapit ko, duguan s'ya. Tinuwid ko s'ya...baka buhay pa pero ang daming dugo. Bigla akong natumba. Nakarinig ako ng dug , parang sa loob ng ulo ko nanggaling. Tapos masakit. Nawalan na ako ng malay. Paggising ko, madami nang pulis, hawak ko ang kutsilyo ni Mamsh. Dinakip na ako ng mga pulis."

"At si Amber ang pumalo sa ulo mo." Dumilat ito.

"Malakas ang kutob ko na s'ya. Hindi ko lang nakita."

Napapikit uli si Doc Helen, "But you're not telling me why, Paige. Bakit ka pinapunta doon ni Amber."

"May pupuntahan kami. Gigimik siguro kami. Mahilig 'yon mag-aya kung saan-saan, hindi n'ya sinasabi kung saan eksakto dahil hindi pa rin n'ya alam. Gano'n rin ang naisip ko noon kaya ako nagpunta doon."

"But that's not the truth." Pikit pa rin si Doc Helen at matamlay na ang boses.

"Paano n'yo po nasabi na hindi 'yun ang totoo?" Alas niya ang tungkol kay Darby at hanggang hindi niya napapatunayan ang kutob niya, wala siyang babanggitin tungkol doon kahit kanino.

"Because I know when you're telling...the...truth...or..lying..." Tumahimik na ito.

"Doc Helen?"

"Mmm."

"Doc, okay ka lang? Late ka po, masama ba pakiramdam mo?"

Pabuntonghininga itong sumagot, "...had an accident."

"Ho? Baka po kailangan n'yo magpatingin...Doc Helen?"

Huminga lang ng malumanay ang psychologist. Parang gustong sumagot pero nagbago ang isip, tumahimik na lang. Nanatili si Paige sa kinauupuan, pinanood ito. After three minutes, tumayo na siya. Nilapitan at niyugyog si Doc Helen.

Tulog na tulog.

"Hay, salamat, tumalab rin." Ang mga tabletang kinupit ni Doc Frankie para sa kanya. Binunggo daw niyon ang nurse na may dala ng medications bago matulog ang mga pasyente, natapon ang mga tableta, nakipulot si Doc Frankie at kinupit na ang iba.

Iibinudbod lahat sa lemon water ang pinulbos niyang gamot. Kung hindi makakatulog ang psychologist, sa sunod nilang session na lang niya daragdagan ang 'dosage'. Kailangan lang maging creative ni Doc Frankie sa pag-aquire ng pampatulog. Hindi kasi uubra na itago lang niya sa bibig ang medications niya. Tsine-check ng nurse ang loob ng bibig ng mga pasyente, sinisilip, pinalalawit ang dila nila. So Doc Frankie ang solusyon at gustong-gusto niyon na maisahan lagi ang staff ng Bejola.

Mukhang okay naman ang paghinga ni Doc Helen.

Sinimulan na niya itong hubaran ng damit.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now