Untitled Part 14

1.4K 62 0
                                    


COMING-OUT PARTY?" ANG LUTONG NG HALAKHAK NI MAMSH. "What is it? Like a debut? Ipakikilala sa lipunan bilang bakla?" Nagkandasamid ito, "You have to tell me about it."

"Payag ka na umatend ako, Mamsh?"

"Makakatanggi ba ako? T'yak na pupunta dito 'yung Amber na 'yun, ipagpapaalam ka. Since I want to be in her mom's good graces, papayag rin ako." Sinuri uli nito ang imbitasyon, "Ba't walang nakaisip nito nung panahon ko? And I just had an idea." Nagtatatawa pa rin ito na iniwan sa salas si Paige. Tumunog ang telepono nila, "Sagutin mo. Nasa shower ako."

"Yes, Mamsh." Hinintay muna niyang makatatlong ring ang teleponong nasa kitchen wall bago damputin. Turo iyon ni Mamsh, para daw hindi ito mukhang atat. Client man ang caller o boylet. "Yes, hello?" Sagot niya.

Hinga at ugong ang una niyang narinig.

"H-Hello?" Ulit niya.

Parang tinakpan ng caller ang bibig at pinababa pa ang boses, "Stay away! You're not one of us. Do as I say or you're dead."

"Ha? Sino ito?" Dead kaagad?! "Blanche? Ikaw ba 'yan? Mag-usap tayo ng---" ibinagsak na ng caller ang telepono. "Parang gago." Bulong niya. Itinago pa ang totoong boses, obvious naman kung sino.

May iba pa ba? Si Blanche lang naman ang tutol na tutol sa pakikipagkaibigan ni Amber sa kanya.

Tumakbo siya sa hagdanan, umakyat hanggang gitna at tumingala, "Mamsh, lalabas lang ako saglit!"

Mayamaya pa ay nagba-bike na siya papunta sa La Santa. Alas-diez ng umaga. Mainit na. She didn't mind. Tuturuan niya si Blanche kung paano makipag-usap ng matino. Hindi iyong dadaanin siya sa death threat. As in death threat agad? Napakabigat ba talagang kasalanan ang makipagkaibigan sa hindi niya kauri?

As if nakikipagkaibigan talaga siya. Well, at least, I'm convincing, kaya ganoon na lang ang ngitngit ni Blanche. Ang masaklap lang, iyong mga gusto niyang gantihan, wala sa Pueblo. Nag-expect talaga siya na naroroon si Darby at si Sondra. Imbes ay si Amber ang nakilala niya.

Noong una, since wala pala si Darby, naisip niyang si Amber na lang ang gamitin para makaganti. Si Amber ang sisirain niya sa mga kaibigan. Si Amber ang gagawan niya ng scandal.

Pero hindi niya masimulan.

Amber was...nice to her. Sabi ni Ty, kabaligtaran daw talaga ni Darby si Amber at maski ito ay hindi ligtas sa kamandag ng kapatid.

It was a dilemma. Noong pinaplano pa lang ni Paige ang lahat nang ito, parang napakadali. Naka-outline iyon sa diary niya.

Isolate Darby from family and friends by spreading fake news.

Ruin Darby's reputation by provoking her into doing something stupid.

Give Darby Mental breakdown by making her super paranoid.

Hopefully, Darby kills herself.

Naniniwala si Paige na kaya niyang gawin lahat iyon katy Darby dahil mayabang masyado ang babae, madaling i-manipulate.

But the bitch wasn't here. Ang kaya lang gawin ni Paige ay ipagpatuloy ang pakikipagkaibigan kay Amber hanggang bumalik si Darby.

Sa gitna ng driveway nina Blanche niya iniwan ang bike. Lumapit siya sa front door, nag-doorbell at kumatok. Nag-tao po na rin siya. Five minutes yata ang lumipas bago may maid na sumilip mula sa garahe.

"Magandang araw po. Si Blanche po?" Tanong niya.

"Uh, ahmm, wala. Umalis."

Hindi naniniwala si Paige, "Pakisabi naman nandito si Paige, kailangan namin mag-usap."

Parang nalito ang maid, "Ha? E..w-wala nga. Umalis."

Nilinga niya ang driveway, "Nandito ang scooter n'ya." Iyon ang rason kung bakit nagtyaga siyang kumatok ng limang minuto.

"Hindi n'ya dala." Sabi ng maid. "Kotse dala."

Paige sighed, "Okay, sige. Babalik na lang ako."

Tumango ang maid at tumalikod na agad. Binalikan ni Paige ang bike niya pero huminto siya sa tabi ng scooter. Pulang Vespa, beige ang upuan. Hindi niya naiwasang hindi hangaan. It was beautiful...cute. Ang saya siguro mag-drive ng ganito...pero hindi iyon ang rason kung bakit siya huminto doon.

Hinila niya ang retasong nakasabit sa likurang gulong. Baka nagulungan ni Blanche, sumabit na. It took her a couple of minutes to pull the cloth off. Feeling niya, makakaapekto iyon sa andar ng scooter, baka maaksidente pa si Blanche.Ibinulsa niya ang retaso na kamukha ng mga fabric swatches sa shop ni Mamsh.

Nagba-bike na ulit siya pauwi nang tumunog ang cell phone niya. Huminto siya sa isang tabi, "Amber." Sagot niya.

"Meet me here sa Fairway. We'll go shopping."

"Ha? B-Baka may ipapagawa sa 'kin si Mamsh."

"Give me her number, I'll call her."

"Wag na, nakakahiya kay Mamsh. Baka sabihin panay lakwatsa ako."

"Saglit lang naman 'to Paige. Please. Kailangan ko lang kasi ang kasama at kausap. Iniiwasan naman ako ni Blanche. Besides, she's the last person I want to be with these days. Don't get me wrong, ha. I love her, she's my friend. She's just too draining emotionally these past few. I'd reather be with someone na walang issues. Please Paige--"

"One hour." Aniya.

"Sure! Yes! Thank you so much! Meet me at the Milk Tea kiosk."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now