Untitled Part 9

1.4K 72 1
                                    


CHIMAY NGA ANG KINALABASAN NIYA PERO HINDI NAMAN SIYA NAG-rereklamo. Kaunting linis, kaunting luto--hindi mahilig kumain si Mamsh. Basta may kape amerikano at sandwich, solved na.

Iyon ang dinala niya sa kwarto nito. Lunch, pero alas-dos na ng hapon. Hindi pa ito lumalabas doon simula umaga. Nagma-marathon ng Netflix.

Napaungol ito pagbangon, hawak ang balakang, "Leche'ng Netflix."

"Kailangan mo ng tulong, Mamsh?"

"Oh, shut up, What is this?" Tukoy nito sa nasa tray.

"Peanut butter and jelly." Pinatong-patong niya ang unan sa likod nito, "Mamsh, pwede ko bang hiramin 'yung bike na nandun sa ibaba?"

Nagulat ito, "May bike ako?"

"Nandun sa kwarto. Nakita ko kanina, naglinis ako. Okay pa po, lalangisan lang."

"Yeah, yeah, I remember. Kay Dante 'yun."

"Dante?"

"Ex. Pero ako ang bumili, so it's mine." Humigop ito ng kape.

"Okay lang po gamitin ko? Gusto kong mag-bike mamaya, pag hindi na mainit."

Ibinaba nito ang mug sa tray, "How was your beach party experience?"

"Okay na hindi po."

Tumaas ang isag kilay ni Mamsh. Nagpaliwanag si Paige, "Nalait po ako pero ay nagtanggol naman po sa 'kin. At nag-apologize."

"Social climbing isn't easy."

"Po?"

"I know what you're trying to do, okay? I've been there. Just be careful, don't do something stupid. They will tolerate you because they want to appear decent. But at the slightest mistake..." Kumagat ito ng sandwich, "Don't do something that will ruin your reputation. You're dealing with hypocrites. Don't be a slut."

Aangal sana si Paige pero naisip niya, mabuti na iyong isipin ni Mamsh na social climber lang siya. At mukhang nasa mood makipag-usap, sasamantalahin na lang niya.

"Mamsh, ano po alam n'yo sa mga Solano?"

"Sila 'yung pinakikisamahan pero hindi pinagkakatiwalaan. 'Yan lang ang tandaan mo."

"Parang mabait naman po si Amber."

"Maybe." Humigop uli ito ng kape, "I don't know much about her. It's her sister I've heard of a lot in the past."

Totoo, sa loob-loob ni Paige. Hindi niya alam ang tungkol kay Amber. Akala niya, nag-iisang anak si Darby. Pero kunsabagay, hindi naman talaga kumpleto ang research niya. Sa Google, panay tungkol sa mga projects ng mag-asawang Solano. Ang nasa Wikepedia ay iyong architectural firm at mga partners ang nakalista. Wala rin siyang nakuha sa Facebook dahil, hindi nila ako friend.

Sa Instagram lang siya nakakuha ng mga impormasyon, pero obviously kulang pa rin. Ang IG ni Darby, panay travel photos, parties at designer items. Wala siyang nakitang post na nabanggit man lang si Amber. Ang kay Sondra Solano naman, panay pictures rin ng projects, rare finds na decorative objects, also travel photos at paminsan-minsan, get-together with VIP friends.

Baka nag-iingat lang ang mga Solano, sa mga kidnapper halimbawa, kaya hindi nagpo-post ng tungkol sa pamilya.

Baka wala lang talagang pakialam sa isa't isa ang mga Solano.

Hindi alam ni Paige kung alin doon ang tama. Still, IG ni Sondra Solano ang dahilan kaya naririto siya ngayon. Pinuntahan niya lahat ang hashtags hanggang makarating sa IG ni Mamsh. Lumitaw ito sa isa sa mga posts na may Pueblo hashtag. Since familiar na si Paige sa pangalang Sef Gorospe, inistalk na rin niya ang designer hanggang Facebook page nito.

Nalaman niya na may property ito sa Pueblo. Nalaman rin niya, few days later--naka-follow na siya--naghahanap ito ng assistant. Kung hindi ba naman umaayon sa kanya ang mga bituin....si Nicko siguro, tinutulungan siya kaya nandito siya ngayon.

"Ano po ang naririnig n'yo?" Tanong niya kay Mamsh.

"That she's a bitch...I forgot the name."

"Darby po." Iyon ang nagmamaneho ng Outback. Darby Solano killed Nicko and got away with it dahil binayaran ni Sondra Solano ang pamilya ni Nicko.

Two-hundred thousand pesos. Iyon lang ang katumbas ng buhay ni Nicko. Naiintindihan ni Paige ang pamilya ng lalaki. Wala ang mga iyon kakayahan lumaban sa korte. Masakit man sa kalooban, tinanggap na lang ang pera. Iyon rin ang payo ng public attorney. Tanggapin na lang ang pera dahil malabo silang manalo sa kaso.

"Have you met her too?" Tanong ni Mamsh.

"Hindi pa po. Wala po yata dito, si Amber lang ang nagbabakasyon."

"Just the same. Be careful." Dinampot na uli nito ang iPad, ni-resume ang pinapanood.

"Mga four po ako lalabas, Mamsh."

"Whatever. Basta kailangan kita ng seven, I'm going out."

"Yes, Mamsh." Lumapit na siya sa pinto.

"Oh, I remember now." Biglang sabi ni Mamsh. "The scandal."

Preno si Paige, "May scandal po si Darby?"

"Ahmm, yes and no. And that's why you looked so familiar the first time I saw you."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now