Untitled Part 20

1.1K 59 0
                                    


WHERE is Ollie?" Tanong ni Blanche, nakaupo sa hospital bed, naka-sling ang braso, naka-tape ang maliit na biyak sa kanang bahagi ng noo. May mga gasgas at pasa rin ito sa kanang bahagi ng mukha.

"No idea. Haven't heard from him since last night." Sagot ni Amber. "Aren't you supposed to lie down?"

Hindi iyon pinansin ni Blanche, "I wonder how he got in when he's persona non grata in the Pueblo."

"He said he's staying at the hotel, may kaibigan s'ya dun. 'Yun rin ang nagpuslit sa kanya and he's been going around since, wala namang nagre-report. I for one couldn't report him. I don't want to be the one to report him. Kaibigan ko pa rin s'ya."

Walang property sa Pueblo si Ollie pero maraming kaibigan doon kaya labas-masok ito doon, para na ring tagaroon. Nagkaroon ng gulo sa isang party sa Terazza over a year ago, may nagsumbong na galing raw kay Ollie ang mga party drugs. He was declared persona non grata.

"Why are we talking about him?" Tanong ni Amber. "We should be talking about you."

Tinitigan lang siya ni Blanche.

Isinukbit na ni Amber ang bag, "Babalik na lang ako pag gusto mo nang makipag-usap." Lumapit siya sa pinto pero bago pa niya nabuksan, bumukas na iyon, pumasok ang mama ni Blanche, parang galing sa pagtakbo. Leggings, sports bra, jacket, running shoes. Mukhang mas fit pa ito kay Blanche at malaking frustration iyon sa athletic na ginang.

Careerwoman ito. Executive sa isang multi-national company. Matalino. Madiskarte.

Pero nagkaanak ng kagaya ni Blanche. A weakling. Kutob ni Amber, dahil rin iyon mismo sa mama nito. Ang lakas kasi maka-pressure kapag super achiever ang nanay mo. Kailangan mong higitan pero hindi mo kaya, kaya..'wag na lang.

"I got the report." Sabi ni Mrs. Nevi, "Oh, hi, Amber." Mabilis siyang hinagkan sa pisngi.

"Hi, po, Tita Monique." Hindi na muna lumabas si Amber, "Ano po sabi sa report?"

"The Vespa appears to have been tampered with. There's a missing screw in the front wheel that's why you said it just wobbled and you lost control.

"Now, it gets interesting. I asked the maid kung may nakaaway ka or something. Wala naman raw, pero may naghahanap sa 'yo kahapon, makulit raw. I checked the CCTV---" inilabas ng ginang ang cell phone, ipinakita sa kanila ang video.

"That's Paige." Bulalas ni Amber.

"Kilala n'yo?"

"Opo, Tita. But...it's impossible."

Sa video, naka-squat sa tabi ng scooter si Paige. Sa angle na iyon, hindi kita ang ginagawa ni Paige, mukha lang may kinakalikot sa gulong base sa galaw ng likod at braso.

"Who is she?" Tanong ni Tita Monique.

"Paige Hipolito." Sagot ni Blanche. "Yes, I wasn't in good terms with her. I admit, Mom, I may have given her reason to hate me. Secretary s'ya ni Sef Gosrospe."

"The designer?"

Tumango si Blanche, "She's staying with him."

"Okay. I'll let the cops know. " Hinagkan ni Tita Monique sa noo si Blanche, "I'll be back." Biglang tumatawag na ito sa cell phone at sa isang iglap, nakalabas na ng silid. Ipo-ipo kung kumilos. Si Blanche, talo pa ang pagong.

Minsan, naiisip ni Amber, hindi kaya sinasadya ni Blanche maging kabaligtaran ng ina sa lahat nang bagay?

"Blanche, why did you do that?" Angal niya dito. "Pinahamak mo si Paige. Hindi pa naman tayo sigurado na pinakialaman nga n'ya ang scooter mo. That video proves nothing because we can't see what she was doing."

"I'm doing her a favor." Sagot ni Blanche.

"You just want to get rid of her."

Hindi sumagot si Blanche.

"I won't allow it." Sabi ni Amber, "I need her." Tinalikuran na niya si Blanche. Binuksan niya ang pinto.

"Don't be stupid, Amber." Sabi ni Blanche.

Amber ignored her.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now