Untitled Part 8

1.4K 73 0
                                    


SORRY about that." Sabi ni Ty. "Really, really sorry."

"Wala ka namang kasalanan." Sagot ni Paige. Umaakyat na sila sa hagdanan papunta sa kalsada.

"Ako kasi ang nahihiya sa ginawa ni Blanche."

"Okay lang 'yun. Hindi ko pinapansin ang mga ganun."

Hindi sila tumuloy sa kalsada, bagkus ay lumiko sa parking area si Ty. Lumang model na Montero ang sasakyan nito.

"Saan ka sa Paseo?" Tanong nito pagkasakay nila.

"Ituturo ko na lang. Nakalimutan ko pangalan ng street, eh."

"Nakakalito 'no?"

Tumango si Paige. Petsa ng mga importanteng kaganapan sa Pilipinas ang pangalan ng mga kalye.

"So, nag-aaral ka pa o graduate na?" Tanong ni Ty.

"Undergrad. Nag-stop muna ako. Kailangan ko muna magtrabaho."

"Wow." Tatango-tango ang lalaki. Lumabas na sila sa parking lot.

"Wow?"

"Totoo 'to, ha. Walang stir. I really admire people like you. Ganyan rin kasi father ko noon, eh. Lagi nilang pinapaalala sa 'min nung mga kapatid ko, in case raw nakakalimutan namin at masyado kaming nagiging entitled."

"Talaga? Ano'ng trabaho ng father mo?"

"Lawyer s'ya. Working student rin s'ya noon, medyo natagalan bago s'ya nakatapos. Kasi nga, hindi sila mayaman."

"Swerte n'yo, ganun katyaga ang father n'yo."

Tumango ito, "He's the best. My dad. And my mom too. She has her own career. Kahit nung maganda na ang trabaho ni Dad at puwede na s'yang maging housewife, she chose to work. I think, lahat nang babae, ganun dapat. May sariling diskarte..career..ganun."

"Wow." Sabi ni Paige. Totoong hidni siya makapaniwala na may kagaya ni Ty sa grupo nina Amber Solano.

"Yeah. I'm claiming it. I got wonderful parents. What about you?"

"Not so wonderful." Amin niya. "Naghiwalay sila six years ago. Pareho na silang may mga bago. Tatlo kaming magkakapatid. Nasa Israel 'yung ate ko. S'ya ang panganay. 'yung bunso, nag-aaral pa, nasa 'min. Housewife si Mama. Unlike your mom, ang mama ko, tumigil magtrabaho nung mag-asawa. By the time na marealize n'ya na hindi sasapat 'yung kinikita ni Papa, wala na s'yan mapasukan. May edad na s'ya at nakalimutan na n'ya lahat nang alam n'ya. Hindi na s'ya maka-compete sa mga mas bata, mas computer literate, ganun."

"At least, alam mo na ang ayaw mo maging."

Natawa si Paige, "Oo, naman."

Sinulyapan siya ni Ty, "E...boyfriend?"

"Deretso d'yan sa round-around, ha."

Tumawa si Ty, "Round-Around?"

"I mean, roundabout...basta d'yan, dederetso sa kabila."

"Hindi mo pa 'ko sinasagot?"

"Sasagutin kita agad-agad?"

Lalong tumawa ang lalaki, "You got me there."

"Wala akong boyfriend." Aniya.

"Bakit?" Wala kang time?"

"S'ya ang nawalan ng time. His time ran out."

"You mean..."

"He died. Aksidente. Nung 2017."

"Sorry to hear that."

Tumango si Paige.

Yeah, me too.

And maybe, Ty could help her make the Solanos pay for Nicko's death. 

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now