Untitled Part 73

902 62 2
                                    


TANAW ni Paige mula sa burol na dumating ang sasakyan ni Amber. Pumarada ito sa unahan ng bulldozer na nakatengga sa ibaba. Namatay ang mga ilaw ng sasakyan at hindi nagtagal, bumaba si Amber.

Hindi ito halos makita ni Paige dahil sa suot. All black. Ah, parang alam na niya kung bakit mayroon ring mga panghukay na nakasiksik sa mga nakausling ugat ng puno. Nagbabalak maghukay si Amber.

Nagsindi ng flashlight si Amber at nagsimulang umakyat sa burol. Kinuha ni Paige ang sako na sisidlan ng mga pala. Ibinagsak niya sa lupa.

Mayamaya pa ay nasa harap na niya si Amber. Tulala.

"Dahil wala na si Tita Monique, itutuloy na nila ang pagpapatag nito. Kaya, kailangan mo silang unahan." Kinuha niya sa sako ang mahabang bakal na animo sibat. Itinusok niya sa lupa, "Tutulungan na kita."

"What are you trying to do?" Sabi ni Amber, parang sumisingasing.

"It's been twelve months. Tapos mainit dito. Kalansay na 'yan." Sabi ni Paige.

Napanganga si Amber.

Nagpatuloy si Paige habang pabagsak niyang ibinabaon sa lupa ang bakal, "Kailangan paluwagin natin ang lupa para mas madali nang hukayin. Wala naman akong pake kay Darby...I mean, may pake ako pero sa sinapit n'ya sa 'yo, kiber. Buti nga sa kanya.

"Ang gusto ko lang, malaman mo na alam ko para makapag-usap tayo ng maayos. Ako ang masusunod sa kasunduan, Amber. Kung willing ka pa."

"Then why do you have to arrange for that party? Why not just talk to me? And that...dress--"

Iniladlad ni Paige ang palda ng damit, "Ginawa ni Mamsh for audience impact. At 'yung party, para malaman mo na hindi ako nagbibiro. Para ma-realize mo na hindi mo ako puwedeng isahan, Amber. Alam ko ang sikreto mo." Itinusok niya ng mas malakas sa lupa ang bakal.

"May pruweba ka?"

"Witness, Amber. Witness. May nakakita sa inyo ni Blanche. Kawawang Blanche, hindi kinaya ng konsensya n'ya, kailangan n'yang parusahan ang sarili n'ya. Saktan ang sarili n'ya, i-sabotahe ang kaligayahan n'ya. Pero sasabog na s'ya, hindi na n'ya makaya...kailangan n'yang mangumpisal kahit paaano...gusto n'yang ipaalam sa lahat kung nasaan si Darby kaya s'ya namigay ng mga drowing. Hindi lang niya kayang deretsahin kasi ayaw rin n'yang ipahamak ka. Mahalaga ka pa rin sa kanya. Hindi ko ma-imagine ang hirap ng kalooban n'ya."

"You don't know shit. You're bluffing." Dinampot ni Amber ang pala.

"May nakakita rin sa 'yo sa basement ng Fairway bago namatay si Blanche. Okay lang sana kung hindi mo sinabi sa lahat na magkasama lang kayo ni Sean sa kwarto maghapon. Pero hindi ko sinabi kahit kanino ang nalalaman ko dahil wala kang silbi sa 'kin pag nakakulong ka."

"So, what do you want?"

"Una, convince your parents that Nicko's family deserves more compensation for what Darby did. Kailangan nila ng lupa't bahay at start-up fund."

Natawa si Amber, "You think my parents will agree to that?"

"Problema mo 'yun. Pangalawa, bilang ako na si Darby, akin lang ang trust fund n'ya."

"You think it's that simple?"

"Yan ang pag-uusapan natin sa mga susunod na araw."

"Anything else?" Tanong ni Amber, sarcastic.

"Tapusin na muna natin 'to." Tukoy ni Paige sa lupa.

"Okay, let's do it." Nagsimulang maghukay si Amber.

"Curious lang ako, how did she die?" Tanong ni Paige.

"Like this!" Hinambalos siya ni Amber ng pala. Nasalag niya ng mga kamay kaya hindi siya napuruhan sa ulo, pero yanig pa rin siya at natumba. Napasigaw sa sakit dahil buto niya sa kamay ang tinamaan ng bakal. "You think I'm that stupid, ha? Ha?" Pinaghahanpas pa siya nito ng pala. Napasadsad si Paige sa matinik na puno. "I know you're just trying to get me to confess. How about I'm gonna kill you, Bitch! No one will see you again! Ililibing rin kita ng buhay, hayup ka!"

Nahagip ni Paige ang pala, nag-agawan sila ni Amber at nagpagulong-gulong hanggang sa ibaba ng burol. Nauna siyang makabangon, "Yun ang ginawa n'yo kay Darby? Nilibing n'yo ng.... buhay?!" Maski galit na galit siya kay Darby, nanghilakbot siya sa nalaman.

Imbes na sumagot, dinayb ni Amber ang nabitiwang pala.

Nakipag-unahan si Paige. Tumilapon siya, napaupo. Hindi niya alam kung nasipa siya o ano. No time to think. Amber went at Paige again, hawak na ang pala, itatarak sa kanya, "I need you more dead than alive." Sabi nito.

"Yan rin ba ang sinabi mo kay Blanche?" Sigaw ni Paige, sabay tinadyakan niya si Amber. Sa may puson ito tinamaan. Napatihaya ito pero agad ring nakabangon, nahampas ng pala si Paige. Sa pagkakataong iyon, sa ulo siya tinamaan.

May sumambulat na fireworks sa utak niya.

The next thing she knew, nakakubabaw na sa kanya si Amber, ipit ng mga tuhod nito ang kamay niya, hawak ng magkabilang kamay ang ulo niya. Itinataktak sa bato. Nagdilim na ang paningin ni Paige. Pero sa kadilimang iyon, unti-unti niyang naaaninag ang mukha ni....Nicko.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now