Untitled Part 62

1.2K 66 5
                                    


LUMAPIT sa wire fence si Doc Frankie, "How are you today?" Tanong nito kay Paige.

"Not good, Doc." Aniya. Kumapit siya sa matitigas na wire, "I'm really sick, hindi sila naniniwala na kailangan ko magpa-MRI. Hindi nawawala ang sakit ng ulo ko. Nanlalabo ang mata ko. What if, tumor 'to?"

"Kumusta ang balance mo?"

"N-N-N-Nahi...hilo ako, D-D-D-oc." Bumitaw siya sa wire at tiningnan ang kanan niyang kamay. Umasta siyang hindi makapaniwala, "M-M-Manhid...a-a-ano'ng nangyayari sa 'kin, Doc?"

 Mga staff sa Bejola ang nagbansag na Doc Frankie kay Doc. Dahil ang dami nitong alam sa mga sakit. Talo pa ang duktor kung mag-disagnose. Factitious disorder raw ang mayroon ito. Munchausen syndrome kung tawagin. Isinalpak na doon ng pamilya dahil nauubos ang pera kaka-pagamot, wala naman talagang sakit. Feeling lang nito, may sakit ito. Kung anu-anong sintomas ang nararamdaman.

Nang bansagang duktor, aba, kinarir ni Doc Frankie. Kinlaim.

"It's the water here. It's making us sick. Kaya nagpapa-deliver ako ng sarili kong tubig. You should do the same." Sabi nito.

"How? I'm not allowed to call anyone. I need to call a friend. H-H-He's the only one wh..wh..who believes me." Sintomas rin daw ng brain tumor ang nahihirapan sa pagsasalita. Nabasa niya sa mga magazine at libro sa opisina ni Dra. Helen noon pa. "No one believes me..." Humikbi pa siya.

Relate much si Doc Frankie, tumango ito, "I'll see what I can do. For the meantime, don't drink the water." At naglakad na ito palayo sa hawla ni Paige.

Tumingala siya at iginala ang paningin. Nasa hawla talaga siya. Like a tiger in a zoo.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now