Untitled Part 66

1.5K 81 9
                                    


SINO ANG TUNAY NA BALIW, 'YUN BANG 'SINILANG NA PAG-IISIP AY 'DI LUBOS, o husto ang isip?" LSS si Paige sa kantang iyon dahil, duh, may iba ka bang maiisip kantahin sa lugar na ito? Paano nga ba nasasabing baliw ang isang tao? Hindi normal ang pag-iisip kaya hindi rin normal ang kilos.

Mas maganda sigurong itanong kung ano ang normal? Pero sino ang nagdedesisyon kung ano ang normal o hindi? Hindi kaya parang laro lang na Alin ang Naiba?

But if that was the case, sa grupo ng limang pasyente at isang psychiatrist, iyong duktor ang hindi normal. Iyon ang baliw. Kagaya ng pagtatanim. Kung sa taniman ng saging ay may sumibol na sili, ituturing na weed ang sili, kailangan tanggalin doon. Baliw ba ang sili porke at tumubo siya sa sagingan?

Kung sa lupang panay damong-ligaw ay may tumubong puno ng bayabas, hitik ng bunga, weed pa rin iyong maituturing. Hindi iyon 'normal' sa gitna ng mga damong ligaw, kitang-kita agad ang kaibahan.

Siya na nagmatapang lang at tumayo para sa karapatan at kapakinabangan ng kapwa niya ang puno ng bayabas. Habang ang mga kasama niya ay tinatapak-tapakan lang, she decided to stand up....tapos ako ang baliw? Ano sila, bale?

Kaya pinag-ige pa niya ang pagdikdik sa mga tableta gamit ang pinulot na bato kaninang nasa hawla siya. Mas malaki lang ng kaunti sa bola ng jackstone pero batong-buhay naman. Tinapakan muna niya ng mariin ang bato sa ibabaw ng mga tabletang binalot niya sa kapirasong papel--galing sa basurahan. Nang mag-crack ang mga tableta, saka niya pinagtiyagaang dikdikin bawat piraso. Limang tableta iyon. Sana lang, tumalab.

Nang makuntento siya sa pagka-pulbos ng mga tableta, binalot niya ng maayos sa papel, isiniksik sa kanyang bra. Wala pang budget ang Bejola para sa CCTV sa bawat kwarto kaya tiwala siyang walang makakaalam ng ginagawa niya doon.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now