Untitled Part 54

974 47 2
                                    


HUMINTO magpedal si Paige. Hindi siya sigurado kung nasa tamang lugar siya. Madilim ang kalsada at naka-asa lang siya sa mga ilaw sa likod ng mga bahay sa La Santa na nasa mas mataas na bahagi. Nilinga niya ang pinanggalingan. Tama naman. Naroroon ang karatulang tinutuloy ni Amber ang tumawag ito.

ACCESS ROAD/ TEMPORARILY CLOSED

Pero bike naman raw ang dala niya, makakalusot siya sa barikada. Mag-ingat lang daw siya dahil panay kurbada ang kalsada.

"Di nga?" Bulong niya, sarcastic. Hairpin curve na palusong pa ang nasa unahan niya. Hindi kaya gusto lang ni Amber na maaksidente siya doon? Malaglag sa bangin?

Pero hindi. Amber needed her alive. Humanda na uli siyang magpedal. Buti na lang, high-end ang bike at kompleto sa accessories gaya ng ilaw. Laking hinayang siguro ng boyfriend ni Mamsh sa bike.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now