Untitled Part 69

1K 57 1
                                    


GOODNIGHT, DOC HELEN." SABI NG SECURITY GUARD HABANG nagkakalkal sa bag ang psychologist.

"'night." Bulong niya, kulang na lang ay isuksok ang ulo sa bag hanggang makuha doon ang susi ng kotse. Derederetso siya sa parking area, binuksan ang kotse at sumakay.

Balewalang binuksan ng isa pang guwardiya ang gate nang makita ang kotse niya. Binusinahan niya ito bago lumabas. Pigil na pigil niyang magmadali. Pigil-pigil rin pala niya ang paghinga.

Nang makarating siya sa highway, napasigaw siya sa tuwa at relief. She did it! She was free! She kept on driving. Thirty minutes later, nasa Tagaytay na siya at doon siya na-traffic. Seven-thirty ng gabi, Sabado, nag-uuwian na ang mga namasyal pero may mga umaakyat rin para mag-overnight .

Pasado alas-otso na nang makarating siya sa pick-up point. Starbucks Downhill. Literal na lulusong ka pababa. Pinakurap niyang tatlong beses ang headlights bago bumaba. Suwerte namang may bakante sa parking sa gilid ng establishment. Isiniksik niya sa ilalim ng upuan ang bag ni Doc Helen--para naman hindi manakaw. Narooon ang cell phone at laptop ng psychologist.

Itinali niya ang buhok at hinubad ang blazer ni Doc Helen. Saka siya bumaba at pumasok sa coffeeshop para maki-ihi. Few minutes later, lumabas siya sa front door, umakyat sa hagdan pabalik sa kalsada. A few yards to her right, may lalaking sumakay sa motor. Pina-start iyon.

"Ready?" Sabi ni Wendell paglapit ni Paige sa motorsiklo. Inabutan siya ng helmet.

"Ready." Umangkas na siya, isinuot ang helmet.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now