EPILOGUE

2K 162 55
                                    


HI, CONGRATS!" MAGILIW NA BATI NI PAIGE KAY WENDELL PAGKAKITA niya dito sa lobby ng Bejola. "Kumusta bago mong work?"

"Okay na okay. Salamat." Yumakap ito sa kanya.

"Wala 'yun." She hugged him back, patted his shoulder, "You deserve it." HRM graduate si Wendell actually kaya sinabi ni Paige kay Mamsh ang problema ng lalaki sa trabaho. Sinabi naman ni Mamsh kay Mareng Neneth. Ayun, pagkatapos ng kontrata ni Wendell, sa Fairway ito pinag-apply ni Mamsh. Sure hired si Wendell at sinigurado ni Mareng Neneth na walang endo-endo.

"Thanks ulit. Ikaw, kumusta?" Sabi nito.

"I'm good." Hindi nagsampa ng kaso sa kanya si Doc Helen pero ni-require siyang magtrabaho bilang volunteer sa Bejola at regularly, may therapy session pa rin sila ng psychologist. Six months ang bubunuin niya sa facility pero...nag-e-enjoy naman siya. Baka nga matuluyan na siyang mag-decide na maging psychologist in the future.

Binalingan niya ang kasama ni Wendell, "And you? How are you, Ty? I missed you too." Niyakap rin niya ito, "How's law school?"

He groaned, "I'm regretting it already."

"Oh, you love it. I can tell."

Ty shrugged. Dahil daw sa mga nangyari, bigla nitong naisip na...okay sigurong sumunod na lang ito sa yapak ng ama. Laking tuwa naman daw ng parents nito.

Sarap talaga ng mayaman, sa loob-loob ni Paige. Hindi required magtrabaho agad ang mga anak, madaming pang-tuition.

"I'm so happy dinalaw n'yo ako ngayon."

"Nagkita kami kahapon sa Pueblo." Sabi ni Ty, "Nagkayayaan."

Ganoon na lang ang ngiti ni Paige, "Pero mas happy ako na friends kayo."

"Kailangan ba namin mag-away?" sabi ni Wendell.

"Tinuruan n'ya ako magsiga." Sabi naman ni Ty.

Both men chuckled.

"Tara dun sa library. Nagpahanda ako ng snacks dun." Bumulong siya sa dalawa, "Konte lang baliw dun."

Hagalpak ang dalawa.

"Ipakilala ko kayo kay Doc Frankie." Sabi pa niya.

"Yan talaga ang inaabangan ko, eh." Si Ty.

Pumagitna siya sa dalawa, "Kumusta na sina Mrs. Solano?"

"Walang concrete na balita. Panay tsismis ang naririnig ko." Sabi ni Ty.

"Kawawa rin naman." Segunda ni Wendell. "Wala na silang anak, patay na pareho. Wala nang saysay kahit sisihin sila sa kinalabasan ng mga anak nila."

"Still, sana maging aral sa ibang parents....hirap maging parents 'no? Maski parents ko, hindi naman perfect." Umakyat na sila papunta sa second floor.

Kasalubong nila sa may library si Doc Frankie, "How are you feeling Paige?" tanong nito.

"I'm happy, Doc."

"Good. Good."

"Uh, Doc, I want you to meet my friends..."

Ty and Wendell grinned.

End

Author's Note:

Hi, i truly hope na nagustuhan n'yo ang kwento. It's the first time i wrote something like this.

I stayed away from the usual romance and concentrated on the intrigue. Then crossed my fingers that the story itself would suffice to interest the readers kahit hindi sya SEXY or STEAMY. Let's face it, 'yun ang uso ngayon. Readers flock to those stories.


But i had to write 'siNister', or hindi ako patatahimikin ni Darby, hahaha. I had to risk it as i have always done in the past. I'm a stubborn writer, i don't really write as others do. Kung ano ang nabuong kwento sa isip ko, 'yun ang sinusulat ko, to the best of my abilities. Kung nagkataong sexy, drama, de 'yun ang susulatin ko, like Devious 1 and 2. 


Personally, though, i prefer stories like this one. yung may mga sayad ang characters, hahaha, may dark secrets, mga bangkay na itinago. I fantasize about that a lot. What if i kill someone and  have to hide the body? Mga ganyan. Kaya ko ba maghukay sa backyard? Ichop-chop ko kaya? But i would need a really huge freezer, sheesh, laki ng electric bill t'yak. Pero bago 'yun, how do i kill that person? Saksakin? Barilin? Wala ako gun. Lason? At saan ko patayin? In our house? Someplace else?


That's just to give you idea how my mind works so you'd see how and why Sinister came about. By thinking nasty, twisted and evil thoughts. 

HAHAHA! Thank you for reading and voting. Tell me if you think i should write more of these.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now