Untitled Part 39

1K 59 1
                                    


AMBER parked behind the woman's Lexus sedan. Bumaba siya at naglakad sa driveway.

"Hi." Bati niya kay Paige. Ito ang nagbukas ng pinto.

"H-Hi." Halatang hindi ito natutuwa na naroroon siya.

And I wonder why.

"I heard na nandito si Tita Monique." Aniya. "H-Hindi ko kasi s'ya mahagilap...I need to speak with her."

Tumango si Paige, pinatuloy siya.

"Thanks." Nakatayo na sa salas si Tita Monique, aalis na. "Tita--" payakap siyang lumapit sa babae, "I'm so sorry, Tita. I'm so sorry." Iyak niya.

The woman patted her back, "I need to go, Amber."

"Yes, Tita." Kumaas siya sa babae, iniisip kung bakit matamlay ang pakikitungo nito sa kanya ngayon, samantalang noon, kahit kainitan pa ng eskandalong ikinalat ni Darby, hindi itinuring ni Tita Monique na kasalanan niya ang kasalanan ni Darby.

Dahil ba iba ngayon ang sitwasyon? Blanche was gone. Dead. Hindi na babalik. Natural, sobrang sakit niyon para kay Tita Monique.

And I'm a reminder of her loss.

Maybe that was the only reason. She shouldn't read so much into it.

"Tutuloy na ako, Paige." Paalam ni Tita Monique. "Pakisabi na lang kay Sef."

"Opo." Inihatid ni Paige hanggang sa labas ang ginang. Inilapat nito ang pinto pagbalik, "Upo ka." Anito.

Amber sat down, saka siya tumingin kay Paige, "I--I was supposed to tell her something. I couldn't bring myself to say it."

"Ano 'yun?"

"My..sister..Darby. Nalaman n'ya ang nangyari kay Blanche, gusto n'yang makausap si Tita Monique. I'm supposed to ask Tita kung puwede."

Tumango si Paige, "Naiintindihan ko naman na natatakot ang kapatid mo or nahihiya dahil sa ginawa n'ya kay Blanche. Pero mas maganda siguro kung hindi na n'ya padaanin sa 'yo. Tawagan na lang n'ya. Kung ayaw siyang kausapin, huwag n'yang pilitin. Pero hindi s'ya dapat tumigil humingi ng tawad."

"I guess you're right." Sang-ayon ni Amber. "Um...but why was she here?"

"Nalaman raw n'ya ang tungkol sa mga drawing. May nag-post. Pinakita n'ya sa 'kin 'yung mga sketch pads ni Blanche. Paulit-ulit palang dinodrowing ni Blanche 'yung lugar na 'yon. Gustong malaman ni Tita kung bakit parang obsessed si Blanche dun."

"What did you tell her?"

"W-Wala. Ano'ng alam ko kay Blanche?"

Paige was either a good liar or she was telling the truth.

"Uh, Paige, I don't mean to offend pero...bakit ikaw ang pinuntahan ni Tita Monique? Sabi mo nga, wala kang alam kay Blanche, hindi mo s'ya gaanong kilala."

"Sabi n'ya, hindi siguro ako magsisinungaling sa kanya, unlike kung kayo ang tatanungin n'ya. Ang ibig n'yang sabihin, since kaibigan kayo ni Blanche, poprotektahan n'yo si Blanche, hidni kayo magsasalita ng anything na feeling n'yo makakasakit kay Tita. Pero ako, she expected me to be frank with her."

Tatango-tango si Amber. That sounded like Tita Monique, actually.

"Tsaka nawawala pala ang cell phone ni Blanche." Sabi ni Paige, like an afterthought.

"Yeah, I heard." Sagot ni Amber. "Baka may nakakuha nung nahulog s'ya, pinag-interesan."

"Tingin mo, hindi mababasag 'yung phone kung kasama n'yang nahulog?"

"I don't know."

"Pero nasa rooftop raw ang bag ni Blanche. Wala namang nawawala except 'yung phone nga."

"Ano ba naman kasi ang laman ng bag nun? Ang liit-liit. Tsaka hindi naman nagdadala ng malaking cash si Blanche. Natural, phone lang ang pag-iintersan nung nakakita."

"Alam mo ang gamit n'yang bag that time?"

"I saw the pictures the police and everyone else took of the rooftop after the incident." Tiningnan niya ng deretso sa mga mata si Paige. Halata namang napahiya ito sa tanong. Isinukbit niya ang bag, "I think I better go."

Tumango si Paige, inihatid si Amber hanggang pinto.

"I'll see you around. "

"Gustong paimbestigahan ni Tita 'yung area na dino-drowing ni Blanche." Sabi nito kung kailan nakalabas na si Amber.

Napalingon siya bigla, "What for?"

"Baka daw may diary or something doon si Blanche."

"I see. Uh, okay, see you."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now