Untitled Part 25

1.1K 59 4
                                    


ANG UNA NIYANG NARAMDAMAN PAGGISING AY PANANAKIT NG ULO. Pangalawa ay gulat. Nasa kwarto pa rin siya ni Amber.

Shit.

Napabalikwas si Paige sabay tingin sa bintana. Hindi lang maliwanag, parang kanina pa maliwanag. Hindi na pang-umaga ang sikat ng araw. Tarantang hinagilap niya ang bag. Nakahinga ng maluwag nang makitang naroroon ang cell phone niya. She reminded herself na hindi naman siya dapat matakot, walang kahit anong incriminating doon. At patay na. Drain ang baterya.

Pero bakit siya takot? As if naman ay pakikialaman ni Amber ang cell phone.

At nasaan ba si Amber?

Nag-CR na lang muna siya. Nakaupo na siya sa toilet nang ma-realize, wala nang kalat. Malinis na malinis na at lahat ay naka-ayos na sa mga lalagyan. Naghilamos siya at nagmumog.

Naghagilap ng tubig sa maliit na ref. Tuyong-tuyo ang lalamunan niya at masakit nang malapatan ng malamig na tubig. May kumatok. Dati-dali niyang binuksan.

Maid nina Amber. May dalang tray ng pagkain, "Kumain ka daw po muna bago ka umuwi. Sinilip ko kanina kung gising ka na, nasa loob ka ng banyo." Ibinaba nito sa kama ang tray. May scrambled eggs, bacon strips, toast sa isang plato. Mayroon ring kape at juice sa tray, maliit na garapon ng apricot jam.

"Salamat. Nasaan si Amber?" Kinuha agad niya ang kape. For some reason, parang gustong-gusto ng sikmura niya na malapatan ng mainit.

"Nagte-tennis. Maaga ang lesson n'ya."

Tumango siya na wala sa loob. Mas iniisip niya kung bakit hindi man lang siya nagising nang may naglilinis sa kwarto. Kahit gaano kahimbing ang tulog niya, nagigising at nagigising siya kapag may gumagalaw na sa paligid niya.

"May kailangan ka pa po?" Tanong ng maid.

"W-Wala, wala na."

"Sige po. Sa intercom na lang po pag may kailangan." Sinulyapan nito iyon sa kanang side table at hinagip na ang handle ng pinto.

"Ay, wait..wait.."

Naghintay ang maid.

"Um, ikaw ba naglinis?" Tanong ni Paige. Medyo umayos ang pakiramdam ng sikmura niya nang malapatan ng mainit na kape pero tumitibok pa rin sa sakit ang ulo niya. Nakayuko siya sa sahig, "Nag-vaccum ka?"

"Hindi pa po. Baka po magising ka. Niligpit ko lang po muna ang mga kalat. Bakit? May problema po ba?"

"Ha? Wala. Wala. Nagtataka lang ako bakit hindi ako nagising lalo na kung may nagba-vaccum." Pero kahit wala pala, hindi rin biro ang kalat sa kwarto sa pagkakatanda niya. Tiyak na magpapabalik-balik ang naglilinis niyon. "Ang dami kasing kalat kahapon." Sa lahat nang naglilinis daw, si Amber ang nagkalat.

"Ah, may hinahanap po kasi si Miss Amber. Nagalit po s'ya nung hindi n'ya mahanap."

"Nagalit?" Ulit ni Paige. "Kaya makalat?"

"Sanay na po kami. Sige po, may gagawin pa po ako sa ibaba." Nagmadali nang lumabas ang maid.

Naupo sa kama si Paige. She contemplated what the maid said over bacon and eggs. Sabi ni Amber, nagma-Marie Kondo ito kaya makalat. Pero mas inclined si Paige na paniwalaan ang maid dahil mas tugma iyon sa klase ng kalat kahapon. Nagsinungaling sa kanya si Amber. Bakit? Nahihiyang aminin na nagwawala ito kapag mainit ang ulo? Normal lang iyon para sa kanya dahil ganoon ang mga tao sa bahay nila. Kanya-kanyang pagwawala kapag galit. Baka kina Amber, hindi normal iyon kasi yayamanin.

Kailangan na niyang umuwi. Baka nag-aalala na si Mamsh. Baka galit na si Mamsh. Tumayo siya at lumapit sa dresser. May post-it note sa salamin: Paige, Sorry I have to leave early. XXX OOO Amber.

Pero nawala na sa post-it ang atensyon niya. Sa reflection niya. Kinapa agad niya ang kilay. Ramdam niya ang gaspang ng bahaging inahit. Hindi naman naubos ang kilay niya. Sa katunayan, umayos ang hugis. Luminis.

Still...

Inahitan siya ng kilay na walang pahintulot. Hindi tinanong kung gusto niya. Hindi siya papayag. Hindi niya ginagalaw ang kilay niya dahil sabi ni Nicko, asset niya iyon. Siya na lang daw yata ang babaing natural ang kilay. Gusto niyang maiyak habang sinasalat ang kilay.

Pero napansin na rin niya ang buhok niya. May kulot-kulot na bahagi, wavy pero hindi natural. Ang huli niyang natatandaan, naghahalo ng mga foundation shades si Amber...kinulot rin ang buhok niya? Hindi niya natatandaan dahil tulog na siya...pero kinulot pa rin? Weird naman na yata iyon.

Then she felt it. In her back and left shoulder. Something awkward. Isinuksok niya ang kamay sa likod ng T-shirt, kinapa ang bra niya. Tama ang pakiramdam niya. May mali nga. Isa sa tatlong hooks lang ang nakasara at nasa pinakaunang hanay samantalang sa last row ng mga hooks niya lagi ikinakawit ang mga bra.

Imposibleng makalas iyon at lalong imposible na lumipat iyon ng kawit habang natutulog siya.

Pinakialaman rin ni Amber ang bra niya. Why would Amber do that?

Nanlamig siya at nanghina. Tomboy....lesbian si Amber? Pinagsamantalahan ba siya? Minolestya habang tulog? She checked her breasts, ran her hands all over her body, peered down at her panties. Wala naman. Nothing hurt. Nothing seemed violated.

Except her bra.

And hair and ...eyebrows.

Weird.

Nagsapatos na siya at lumabas.

"Miss, tutuloy na 'ko!" Tawag niya sa maid na nahagip ng mata niya ang uniform sa may dining area.

Paspas siya sa pag-pedal kahit makirot ang ulo at silaw na silaw sa liwanag. Parang alas-dose na ng tanghali. Nakakahiya kay Mamsh at shit, baka hindi pa iyon kumakain.

Wala si Mamsh pagdating niya. Duplicate ng susi na nasa kanya ang ginamit niya para makapasok. Dali-dali niyang isinaksak sa charger ang cell phone at naghagilap ng gamot sa medicine cabinet. Uminom siya ng Advil, binalikan ang cell phone at binuksan.

Mayamaya lang ay nag-ingay ang mga notif.

MAMSH: SUNDUIN MO KO DITO CAFÉ ENCLAVA MALAPIT SA DRIVING RANGE.

Walang sinabing oras si Mamsh, hindi rin masabi ni Paige kung kailan mismo ipinadala ang message.

Tinawagan na lang niya ang amo.

"O, Paige, okay ka na?" Sagot ni Mamsh.

"Mamsh, sorry po. Pasensya na po. Nakatulog po ako kina Amber--"

Bumuntonghininga ito, "I know. Tumawag s'ya kanina, it's her fault raw, she made you drink too much champagne."

"Sorry talaga, Mamsh. Hindi ko inexpect na makakatulog ako ng ganun."

"Nand'yan na 'yan." Sabi nito, halatang inis pero oo, nga naman, ano pa ang magagawa kung nangyari na?

"Hindi ko na uulitin, Mamsh." The last thing she wanted was to be kicked out of her job. "Na-drain rin po ang cell phone ko. S-Sunduin na kita d'yan, Mamsh. Magbibihis lang po ako."

"Okay."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now