Untitled Part 43

932 52 0
                                    


HEY! Hey! Hey!" Hinihingal na si Sean nang abutan sa parking lot si Amber.

"You really shouldn't skip cardio." Aniya sa lalaki.

"I'm going with you."

"No. Sumabay ka na lang kina Paco." Binuksan ni Amber ang pinto ng Outback. Magkasabay sila ni Sean papunta sa funeral home, pero, so what kung iwan niya ito pauwi?

"Ano ba problema mo?" Lumapit ito sa kanya, pinto na lang ng sasakyan ang pagitan nila.

"Look, Sean, I got a lot of things on my mind right now. I want to be alone. I want to think and I can't do that because you wouldn't stop talking about the great Sean Angus Cunanan." Binuksan niya ang bag niya.

"You can't do this to me." Itinulak ni Sean ang pinto ng ssakyan. "I'm going with you."

"What part of 'I want to be alone' you don't understand, Sean?" Sa wakas, nakapa niya sa bag ang hinahanap. Her compact powder. She pressed the side to release the make-up and reveal what was beneath it.

"Ginagawa mo 'kong tanga, eh." Angal pa nI Sean.

"Chill, take a pill." Sinubuan niya ito ng tableta galing sa compact.

Nilunok ni Sean ang ecstasy pill. Soon he'd be nice and friendly and would empathize with everyone and everything.

Tinawagan ni Amber si Ty. Tumalikod siya kay Sean, "Hi, Ty, uh...ahmmm..i think Sean is on something, can you, ummm, make sure he doesn't get into trouble?"

"Where is he?"

"With me here. Sa parking and he's kind of...oh, you know how he is. I need to go back to Pueblo and I can't drive when Sean's like this, hyper and all."

"Si Ollie." Sabi ni Ty.

"Huh?"

"There's a memo from Security. Hindi mo pa ba na-receive ang text?"

"What text?"

"About Ollie---"

"Oh, yeah, yeah, I got the notif, haven't read the whole thing though." Dahil hindi naman talaga niya pinapansin ang mga texts galing sa pamunuan ng Pueblo.

"If Sean's high on something, it's probably from Ollie."

"So, the rumors are true. Damn, I thought he's a friend."

"Yeah. Uh, punta na 'ko d'yan."

Nakangiti na si Sean, parang tuwang-tuwa sa mga bituin at sa hangin. Binasa ni Amber ang text ng Security. Ipinapaalam sa lahat ang tungkol kay Ollie. Nakunan ito ng video na nagbebenta ng hinihinalang ecstasy pills. Nagsama na ng kaso ang pamunuan laban sa lalaki. Kung sakaling makikita na aali-aligid sa Pueblo, ipagbigay-alam sa awtoridad. Iniimbestigahan pa kung sino-sino pa ang kasabwat ni Ollie sa pagtutulak sa Pueblo.

"Shit." Ihinagis ni Amber ang cell phone sa passenger seat bago sumakay.

"Hey, sweetheart! I love you!"

Naisara ni Amber ang pinto bago pa mahawakan iyon ni Sean. Natanaw na rin niya sina Ty at Papa John, kinakawayan ng dalawa si Sean.

Amber drove off.

Shit. Hindi na naubos-ubos ang problema niya. Paano kung mahuli bigla si Ollie at ituro siya na kasabwat?

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now