Untitled Part 36

988 52 0
                                    


"Hanap kang upuan mo." Sabi ni Paige kay Wendell, inokupa na niya ang nag-iisang upuan.

"Ang daya." Nakahiram naman ito ng mauupuan. Case ng softdrinks.

"Mukhang masarap nga ang adobo." Aniya. Hindi pala nilagang itlog ang kasama. Mga itlog sa sinapupunan pa ng manok.

Nagsimula na silang kumain pero kahit masarap ang ulam, hindi maiwasan ni Paige matigilan.

"Bakit? Gusto mong softdrink?" Tanong ni Wendell.

"Hindi, okay na 'to. May iniisip lang ako."

"May problema ka? Sabihin mo lang, baka makakatulong."

"Hindi ko sure, Wendell."

"Personal? Boyfriend?"

"Sapatos." Aniya. "Itong sapatos sa bag ko. Nakilala ni Kuya Willy, s'ya pala ang nakapulot. At tama mga ako, kay Darby ito. Naka-blue s'ya ng gown that time, nakita pa sila ni Kuya na paakyat dun sa burol...dun sa piniktyuran ko dahil drinowing ni Blanche. Dalawa daw magkasama, gabi na. Kinabukasan, nakita n'ya ang sapatos. Hindi ko natanong kay Kuya kung kamukha ko 'yung isang babae."

"Teka lang...may kamukha ka?"

"'Yung Darby. Laging sinasabi ng mga kaibigan n'ya, kahawig ko s'ya. Kanya 'tong sapatos."

"E, di ibalik mo."

"Wala si Darby. That night raw, after ng wedding--renewal ng vows ng parents nila, lumayas na si Darby."

"San nagpunta?"

"Sa Bangkok daw yata, tapos nilibot na yata buong Asia, hidni pa umuuwi sa pagkakaalam ko. Mag-iisang taon na."

"Wow. Dami n'yang pera. Sarap ng buhay."

"Oo, nga, eh."

"So, ano ang problema mo dun?"

"Nagtataka lang ako bakit drinowing ni Blanche 'yung place kung saan napulot ni Kuya Will ang sapatos ni Darby."

"Baka matagal nang hinahanap ang sapatos. Baka kay Cinderella." Tatawa-tawa si Wendell.

"Is it possible na may kinalaman sa sapatos ang drowing ni Blanche?"

"Ano?"

"Kaya nga tinatanong ko kung possible. Hindi ko alam, pero iniisip ko. Hindi ko maintindihan. Para kasing....message 'yung drowing."

"Message naman talaga. Last message."

"E, ano 'yun? Wala namang explanation."

"Favorite place n'ya 'yun. Baka s'ya ang nakita ni Kuya Willy doon."

"Tanong mo nga pag nakita mo. Tsaka kung kamukha ko 'yung isa. Pakita mo picture ni Blanche tsaka picture ko. Mukhang hindi nagpe-Facebook si Kuya, eh." Kaya kahit alam rin niyon ang tungkol sa nagpatiwakal, malamang, hindi niyon kilala ang mukha. Hindi mako-connect si Blanche sa nakita sa burol.

"Sige, mamaya, magkikita kami."

Pagkatapos nilang kumain, nag-take out pa si Paige ng tatlong order ng adobo.

"Para kay Mamsh. Umay na 'yun sa bangus at tapa, eh."

"Naks, ang thoughtful."

"Okay 'yun, si Mamsh. Mukha lang masungit. Tsaka madami 'yung friends na yayamanin, malay mo, maihanap ka ng trabaho pagkatapos ng contract mo dito."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now