Untitled Part 19

1.1K 60 1
                                    


THIS IS EXACTLY THE REASON I DID EVERYTHING TO BE CONSIDERED successful." Ibinaba ni Mamsh sa mesa ang cell phone nito.

Naka-play ang video na ipinadala ni Paige. Parang matamlay na nilapitan ni Mamsh ang coffee maker.

Tayo agad si Paige, "Mamsh, ako na."

Sinaway siya nito, "No, no, finish your breakfast."

Hindi bumalik sa mesa si Paige, "Sorry, Mamsh kung offended ka sa video."

Tumango ito, "it is offensive." Tango nito. "But it's not your fault. Kung hindi ako naging matapang, kung nagpadala ako sa emosyon at hindi umalis dun sa baryo namin, sa parlor din siguro ako nagtatrabaho. Isa akong matandang baklang parlorista ngayon."

"Pero siguro Mamsh, ikaw na may-ari nung parlor. Baka madami ka nang parlor." Binigyan niya ito ng coffee mug.

"'yan mismo ang masakit." Nagsalin ito ng kape sa mug, "Umalis ako sa amin, iniwan ko ang nanay kong may sakit kahit nakiusap s'ya na 'wag ko s'yang iwan. Umalis pa rin ako dahil sawang-sawa na akong maging katatawanan lang sa mga tao. 'yun lang kami, eh. Libangan." Nilagyan nito ng gatas at asukal ang kape, "Kaming mga bakla sa parlor. Ayoko na, eh. Hindi ako katatawanan lang. Gusto ko rin ng respeto.

"Umalis ako. Ginawa ko lahat para makuha ang respeto'ng 'yun. Marami akong tinapakang tao, marami akong ginamit..sinaktan..hanggang nagising na lang ako isang araw, may pangalan na ako. Kilala na ako. May pera na ako. Nirerespeto na ako.

"Kapalit ang nanay ko. She died before I could make a name for myself. Ni hindi n'ya natamasa ang tagumpay ko. Namatay s'ya sa sira-sirang banig sa loob ng sira-sirang bahay. Nangangamoy na at lahat ang bangkay n'ya, hindi pa s'ya mailibing. Walang pampalibing.

"Kung nandoon ako, kahit paano, magagawan ko ng paraan, alam ko. Kahit paano, mabibigyan ko s'ya ng desenteng libing. Pero wala ako doon. Dahil ayoko nang matawag na baklang parlorista. I hated that word. Parlorista. I hated them too. Silang mga parloristang bakla. Lagi kong sinasabi noon, iba ako. Hindi ako kaparis nila. Mababang-uri sila ng bakla.

"Sarili ko pala ang kinamumuhian ko. Ayoko silang tingnan dahil nakikita ko ang sarili ko...ang katotohanan na kung maiibalik ko ang nakaraan, pipiliin kong maging parloristang bakla sa piling ng nanay ko." Nalaglag ang luha nito.

"Mamsh--" gusto niya itong yakapin pero nahihiya siya. Hinaplos na lang niya ang likod ng braso nito.

"Lahat na respetong akala ko, nakuha ko, hindi pala totoo. Nasaan na ba ang mga rumerespeto sa akin noon? Sila pa ang nangungunang magsabi na laos na ako. Ang respetong hinahanap ko, hindi ko pala nakuha dahil wala pala 'yun sa ibang tao. Ako mismo dapat ang magbigay nun sa sarili ko, which I could not. Not for a very long time. Dahil ayokong kilalanin..mahalin 'yung parloristang bakla sa pagkatao ko."

"Hindi mo na rin kasalanan, Mamsh. Hindi ka pwedeng sisihin sa mga desisyon mo noon dahil maraming tao na kagaya ng mommy ni Gigi."

"That's why I find that video terribly upsetting. 2019 na, ganyan pa rin mag-isip ang marami. Hindi nila iniisip ang epekto ng mga salita nila, ng mga panghuhusga nila. Malalim na sugat ang iniiwan nun sa 'min." Dinala ni Mamsh sa mesa ang kape at naupo.

Binigyan niya ito ng plato at kubyertos, "Sa labas ko binili 'yang bangus, Mamsh. Nag-bike ako kanina. Ang mahal kasi pag dito, hindi pa sariwa."

"Good. Good. Pero saan ka kumuha ng pera?"

"Pera ko muna, Mamsh. Nasa three hundred lang naman nagastos ko kasama na 'yung half kilo na tapa. Galing daw po sa Taal."

"Kumain ka na ba?"

"Opo." Ibinaba niya sa mesa ang pitsel ng tubig at baso. "Gusto mo ba ng sawsawan, Mamsh?"

"Ketsup sana kaso, hindi naman tayo bumili ng ketsup, di ba? Nakalimutan ko."

Binuksan ni Paige ang ref, kinuha doon ang mga sachets ng ketsup. Kumuha rin siya ng platito at dinala sa mesa. Isa-isa niyang piniga sa platito ang mga sachets, "Kinuha ko 'to dun sa kinainan namin ni Amber."

"Nanghihingi ka ba ng increase?" Sabi ni Mamsh, natatawa. "Ginagalingan mo masyado, eh."

"Hindi po. Pero kung bibigyan mo 'ko, tatanggapin ko." tatlong sachets na ang napiga niya, "Okay na ba 'to, Mamsh?"

Tumango ito, "Kumusta 'yung naaksidente kamo kagabi?"

"Okay naman na daw po. Nasa ospital pa rin pero hindi naman major-major ang injury." Kahit inis siya kay Blanche, relieved pa rin siyang malaman na ligtas ito. May utang na loob pa rin siya kay Blanche. Kung hindi ito dumating kagabi, baka natuluyan siyang mapahamak kay Ollie.

Nanghilakbot na naman siya nang maalala ang lalaki, natutop niya ang tiyan kung saan siya nito sinuntok. It suddenly felt hollow.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now