Untitled Part 12

1.3K 66 0
                                    


HA?" Genuine ang sindak ni Paige. Nasa labas ng coffee shop ang mesa nila ni Ty. Nakasandal sa puno sa kabila ng bangketa ang mga bike nila.

"It was that bad." Tango ni Ty. "Hindi ko napanood 'yung video pero hindi ako makatingin kay Blanche, kasi alam ko ang content. Pinag-uusapan ng lahat."

Kinumpirma lang ni Paige kay Ty ang tungkol sa scandal diumano na ikinalat ni Darby two years ago. The video was of Blanche, naked on her bed, pleasuring herself using sex toys.

Later, Blanche claimed that Darby had talked her into taking that video of herself. Hindi tumanggi si Darby na ito ang kumuha ng video pero kanda tanggi na ito ang nagpakalat. Pinag-usapan ng lahat ang scandal na iyon kaya nakilala rin ni Mamsh sa pictures si Darby. At kahawig raw ni Paige. Hindi siya makapaniwala doon. Hindi niya naiisip iyon kapag ini-stalk niya sa social media si Darby. Sosyal si Darby, sobrang classy....siguro sa agwat nila sa buhay siya nagpo-focus lagi kaya hindi niya napansin na kahawig niya ang babae.

"Parang...dare? Ganun?" Aniya kay Ty.

"Parang ganun nga ang lumalabas. Knowing Darby, hindi imposible. Ang hirap tanggihan nun, eh. Makulit, tsaka...kesa awayin ka, gawin mo na lang ang gusto."

Talaga naman palang walanghiya, sa loob-loob ni Paige.

"Buti nga, wala 'yun." Sabi pa ni Ty.

"Oo, nga. Bakit si Amber lang ang nagbabakasyon dito? Nasaan si Darby?"

"She took off."

"What do you mean she took off?"

"She YOLO'ed. Just like that." Pumitik si Ty, "Nagising na lang siguro isang umaga na gusto n'yang lumayo. She simply packed her things and left. Una sa Thailand nagpunta. From there, kung saan-saan na."

"Sarap naman ng buhay n'ya."

"Feeling ko nagtatago."

"Bakit?" Humigop siya ng kape para hindi mahalata ni Ty na kinabahan siya.

"Nakabangga 'yun, eh. Patay. Tinakbuhan pa pero nakita naman sa CCTV. Nagdemanda 'yung pamilya ng victim, inareglo nila. Pero pinagbantaan raw nung tyuhin nung victim. Kaya siguro, hinayaan na lang nina Tita Sondra na mag-travel, baka nga naman, you know."

"So, kinukunsinti nila. Imbes na hayaang magbayad sa kasalanan."

Nagkibit-balikat si Ty, "Oo, pero...ewan, kung kapatid ko or ako mismo ang nakabangga at namatay rin 'yung nabangga, hindi rin siguro papayag sina Mommy na makulong ako. Aksidente 'yun, eh. Hindi ko naman sinasadya kumbaga, hindi ko ginusto--"

"Pag nagmamaneho ka, may responsibilidad ka sa lahat. Dapat hindi na nagda-drive pag lasing ka halimbawa, or inaantok."

"I don't drink and drive." He smiled. Hindi ito guwapo sa biglang tingin dahil nga Pinoy beauty, pero kapag ngumingiti, charming. Ang ganda ng ngipin.

"Sana lahat kagaya mo." Aniya. "Kasi...hindi lang naman buhay mo ang mahalaga. Hindi lang ikaw ang may karapatan mabuhay. Bawat tao na nakakasalubong natin, may mga nagmamahal sa kanila--"

"Wait..wait...sabi mo kagabi, aksidente kinamatay ng boyfriend mo."

"Uh..nabangga ang motor n'ya." Kaila niya.

Nailing si Ty, "Delikado kasi talaga magmotor. Hindi kasi tayo disiplinado sa kalsada---" natigil ito sa sinasabi dahil tinawag sila ni Amber.

Nasa walkway pa ang babae, kumakaway, may kasamang lalaking matangkad at guwapo.

"Aw, shit." Usal ni Ty.

"Why? Kilala mo?"

"Si Ollie San Miguel. Sikat 'yan."

"Shit, di nga?" Nilinga uli ni Paige ang kasama ni Amber. "Oo, nga. It's him."

"Di ka naman excited." Sabi ni Ty. "Kailangan mo ba ng ballpen para sa autograph?"

"'wag, nakakahiya." Kilala niya si Ollie San Miguel dahil kasama ito sa kasalukuyang sikat na teleserye. Hindi bida pero marami-rami na ring exposure at guwapo naman talaga, may fan base na rin.

Bumulong siya kay Ty, "Bakit kilala ni Amber?"

"Kaklase yata, tropa dati sa St. Benilde."

Lumapit na sa kanila si Amber. Ipinakilala kay Paige si Ollie.

"Pleased to meet you." Aniya habang nakikipagkamay sa lalaki, "Napapanood kita, eh."

"The pleasure is mine, Binibini." Yumuko pa ito.

Hinampas ito ni Amber sa braso, "Corny mo." At kay Paige, "Wag ka papabola dito, ha."

Tumayo si Ty at ibinigay ang upuan kay Amber.

"Thanks." Anang babae, "Anyway, guys, have you got your invites na?"

"Invites sa'n?" Si Ty, naupo sa tapat ni Paige.

"Coming-Out ni Jerome. Magiging Gigi na s'ya." Amber laughed.

Clueless si Paige, nag-explain naman agad si Ty, "Ka-tropa rin namin dito si Jerome pero 'yun nga, hindi pa s'ya out nun. Medyo umiwas nung mabuking. Ngayon.." Luminga it okay Amber, "May pa-Coming Out pa s'ya?"

Kinuha ni Amber sa bag ang imbitasyon. Rainbow colored envelop makinang-kinang pa.

"Okay, ah." Comment ni Paige.

Humawak sa braso niya si Amber, "You're coming, of course."

"Hindi naman ako invited."

Itinuro nito ang nakasulat sa envelop, "Miss Amber Solano and Guest."

"W-Wala akong isusuot."

"Sus. I'll take care of it."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now