Untitled Part 71

1K 57 3
                                    


HUMINTO sila sa garahe ng isang bahay sa La Santa, dalawang bloke ang layo sa kalye nina Amber at nasa likod naman raw niyon ang kina Ty.

"Sa tropa ko 'to, pero nasa US sila ngayon. Pinaparentahan 'to, sa amin iniwan ang susi." Sabi ni Ty. Magkasabay silang bumaba ng sasakyan. Binuksan nito ang side door, binuhay ang ilaw, "Nagdala na ako ng supplies dito kagabi. Kumpleto naman sa gamit, pwede kang mag-init ng tubig or whatever."

Nasa kitchen island ang supplies na sinasabi ni Ty. Mga ramen in cups, tinapay, prutas, kape.

"Thank you, Ty. Sobra-sobra na utang ko sa 'yo."

"Basta ikaw."

Niyakap uli niya ito at hinagkan sa pisngi, "Umuwi ka na muna, baka hinahanap ka na sa inyo."

Natawa ito, "Si utol lang naman kasama ko sa bahay at walang pakialam sa 'kin 'yun. Busy sa Mobile Legends."

Ramdam ni Paige na ayaw pang umalis ni Ty at hindi niya alam kung paano ito itataboy nang..hindi halata. Grateful siya sa lalaki pero hindi siya sigurado kung gusto niya ito gaya ng gusto nito sa kanya.

She liked him, walang duda doon.

But she liked Wendell too. At may utang na loob rin siya sa lalaki. Pakiramdam niya, magdadamdam si Wendell kung mas papaboran niya ni Ty. And vice versa.

Ang pagkakaroon ng lovelife ang huling bagay na maiisipan niya sa mga panahong ito. Hindi lang dahil sa mga mas importante niyang dapat asikasuhin, kung hindi dahil kay Nicko. Si Nicko pa rin ang dahilan ng lahat nang ito.

"G-Gusto ko na munang magpahinga. Medyo hilo pa 'ko sa byahe namin ni Wendell tsaka ung medication ko...." Aniya.

"O-Of course. Uh, may landline phone dito, tawag ka lang sa bahay, nasa phone rin ang number, pag may kailangan ka ha."

Tumango siya, "Thanks so much." Inihatid niay si Ty hanggang sa garahe.

"Ingat ka." Sabi nito nang nasa manibela na.

"Sila ang mag-ingat sa 'kin."

Tumawa si Ty, "That's true. Ibang klase ka." Pagkatapos ay tumahimik ito pero hindi pa binubuhay ang sasakyan. He sighed, "Um, Paige?"

"Ano?"

"About...that guy...the one who died..."

"Nicko ang pangalan n'ya. One of these days, Ty, ikukuwento ko sa 'yo."

He seemed satisfied with that, tumango ito at binuhay na ang makina ng sasakyan. Nang makaalis si Ty, saka lang siya pumasok sa bahay . Ikinandado niya ang pinto, dinala sa unang kwartong nakita ang paperbag na galing kay Mamsh.

Ibinuhos niya sa kama ang laman niyon bago dinampot at iniladlad.

"Hello, Darby." Aniya.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now