Untitled Part 6

1.6K 76 0
                                    


THERE were four guys, kasama na sina Ty at Sean. Amber introduced Paige to the other two. Sina John at Paco. John was tsinito and big--bearlike--pero baby-faced. The beard did not help. Nagmukha lang itong overweight na toddler na naka-bib sa mukha. They called him Papa John. Paco was lean and long-haired. May tattoo sa dibdib at braso. Sobrang tangos ng ilong, hindi maiikaila na may lahing foreigner kagaya nina Sean at John. Si Ty lang yata ang purong Pinoy. Sa kulay, sa features ng mukha. Nagugulat nga si Paige kapag bumabanat rin ng English ang lalaki.

Blanche was there too. Lumayo sa grupo nang makita si Paige na parating kasama ni Amber. There were two other girls too. Ashley and Kim. Chubby ang una pero mukhang anghel. Mahaba ang buhok, may heavy bangs. Naka-two piece rin at walang cover-up. May tattoo sa kanang boobs. Dikit nang dikit kay Paco. Kim looked like a slut. Naka-bestidang maiksi at manipis, may hawak na yosi, sumasayaw mag-isa. Hindi masabi ni Paige kung maganda talaga o ganda-gandahan lang. Kuntodo make-up, eh.

May mesang inihanda doon. Iyong foldable, same as the chairs. May mga pagkain--seafood mostly. Sugpo, backed tahong at talaba, pusit. May barbecue rin at manok na mukhang inasal. Pero mukhang si Papa John at Ashley lang ang interesado sa pagkain.

Hindi maiwasan ni Paige magkumpara. Kung tropa nila nina Nicko ang hinayinan mo ng ganoon, sa isang iglap, ubos ang pagkain. Pati ulo ng sugpo, pag-aagawan nila tiyak.

Kumuha ng beer in can sa cooler si Amber, "Here." Ibinigay kay Paige.

"Thanks."

"Talaba?" Alok naman sa kanya ni papa John.

"Ahmm, later na lang." Aniya. Di-kalayuan sa mesa, may gumagawa ng siga. Dalawang lalaki, naka-Pueblo staff uniform, namukhaan niya ang isa, "Wendell!" Tawag niya. Nag-excuse siya kina Amber at nilapitan ang lalaki.

"Wow, hi." Bati nito.

Umiskwat siya sa tabi nito, "Overtime ka ba?" Biro niya.

"Sayang rin." Sagot nito. At sa mahinang boses, although it didn't matter dahil malakas naman ang tugtog, "Kilala mo pala mga 'yan." Parang turned-off ito.

"Kanina lang. Nag-imbita, pinayagan naman ako ni Mamsh. Thank you pala ulit, ha."

"Basta ikaw." At bumulong ulit, "Ingat ka sa mga 'yan."

"Bakit?"

"Magkamali ka lang konte, naku. Kala mo ay kanila ang mundo." Inayos nito ang kahoy sa siga, "Hindi naman marunong gumawa ng sarili nilang bonfire." Natawa ito at nailing.

Natawa rin si Paige, "Actually--"

Lumapit sa kanila si Sean, "I think that's okay already, bruh." Sabi nito.

Sabay na tumayo si Wendell at ang kasama nito, "Una na kami, Miss Paige." Hindi na nito naipakilala ang kasama dahil lumusob na rin sa siga sina Papa John at Ashley.

"S'mores!" Shrieked the latter.

Mayamaya pa ay nakapalibot na sila sa siga, nag-iihaw ng marshmallow. Kandong ni Ashley ang malaking garapon ng Nutella. Katabi ito ni Paige pero sumiksik sa pagitan nila si Sean, nagprisintang tagahawak ng stick niya.

Amber and Kim posed for selfies and groufies. Kanda post rin agad sa kanya-kanyang Instagram.

"Guys--" inginuso ni Ty si Blanche, nasa malayo, nakaupo paharap sa dagat.

Ang ikinagulat ni Paige, katabi pala niya sa kanan si Ty.

"Who wants to call her?" Sabi pa nito.

"I'll do it." Tumayo si Amber.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now