Untitled Part 41

1K 62 10
                                    


KUMAKAIN sila ni Mamsh nang tumunog ang cell phone ni Paige.

"Excuse po." Iniwan niya sa mesa si Mamsh dahil nasa salas ang cell phone.

Si Tita Monique ang caller.

"Hello, po." Sagot niya, naupo sa sofa.

"Paige, naabala ba kita?"

"Hindi naman po. Bakit po?"

Bumuntonghininga ang ginang, "I lost my scarf. 'Yung suot ko kahapon, tanda mo?"

"Mmm, medyo po."

"I was wearing it yesterday...Blanche gave it to me....from her Japan trip...it's handmade..."

"Ahmm, sige po, titingnan ko dito, baka po naiwan n'yo."

"...I can't lose it, Paige.....i think...oh, God, I'm losing it....i'm...looking at her..." Humagulhol na si Tita Monique.."They did a good job fixing her...she's so beautiful.."

"T-Tita? Nasa'n po kayo?" Naiiyak na rin siya.

"M-Mortuary...I'm sorry...I can't stop thinking...she killed her..that bitch murdered my daughter."

"S-Sino po?"

"Darby. She killed Blanche. I couldn't save my daughter. How do I live with that? I have one job as her mom and I screwed up...I should've sued her....hindi ko tinuloy, natakot ako sa mga puwede pang mabunyag sa hearing...ayoko nang mapag-usapan...mali, eh..sorry, I shouldn't have called."

"Hindi po, Tita. Okay lang po. N-Naiintindihan ko po." Na hindi nito alam ang gagawin, hindi alam kung saan susuling.

"S-Sorry."

Nawala na ito sa linya.

Nanatili siyang nakaupo. Hindi makakilos. Parang kailan lang, nasa pareho siyang sitwasyon. Nakikiusap sa kahit sinong may kapangyarihan sa mundo na sana ay hindi totoo....na sana ay mali ang lahat at buhay si Nicko. Nakahiga ito sa mortuary, may takip na kumot. Hindi man lang puti. Kupas na stripes, may sira pa.....Darby killed him too.

Umahon muli ang galit niya.

Darby.

Tama si Tita Monique. Biktima rin ng babae si Blanche.

Nasumpungan na lang ni Paige na nakabukas na ang Instagram sa cell phone niya.

She typed her username and password. Ginawa lang niya ang account na iyon para i-stalk si Darby pero hindi pa niya ulit nabubuksan simula nang magtrabaho siya kay Mamsh. Nang lumitaw ang account, lumitaw rin kaagad si Darby dahil follower siya ng babae.

Kaninang umaga ang post. Picture ng mga paa nito, naka-flipflops. Nakatapak sa rug na mukhang Aztec ang design.

Caption: Home is everywhere your heart takes you.

Sangkatutak na hashtags.

Talagang pasarap sa buhay habang may mga nagdurusa dahil sa kawalanghiyaan nito.

Hayup talaga.

Paano na nga si Tita Monique? Nag-iisang anak si Blanche....bakit nga hindi niyon idenemanda si Darby noong ipakalat ng babae ang video? Sana nga itinuloy na lang ni Tita Monique ang demanda. Sana...puro sana.

Pero ngayon, wala na si Blanche....ano kaya kung kumbinsihin niya si Tita Monique na kasuhan si Darby? Kakausapin niya sina Ty na magbigay ng statement laban sa babaing iyon.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now