Untitled Part 44

953 50 4
                                    


NAPATITIG sa kisame si Paige, hawak sa bandang dibdib ang kanyang cell phone. Mahigit isang oras na yata siyang nag-i-scroll sa IG ni Darby. Ina-analyze niya bawat picture, ikinukumpara sa isa't isa.

At sigurado siya, tama siya.

Ang tanong, may maniniwala ba sa kanya? May reputasyon siya na...praning. Paranoid. May posibilidad na siya lang ang nag-iisip at naniniwala na may malaking pagkakaiba ang mga IG post ni Darby noong bago at matapos iyong umalis ng Pilipinas.

Walang dudang GGSS si Darby. Noon ay pawang mga selfie ang posts--suot ng OOTD, nasa gym, nasa concerts, kumakain, nagmamaneho. A few days bago ito nag-AWOL para magtago sa nagpapadala ng death threats at para na rin siguro takasan ang kasong binabalak isampa ni Tita Monique, nag-post si Darby ng picture na nasa cockpit ito ng eroplano. Cessna raw. She was going to learn how to fly. Napaisip doon si Paige. Ang alam niya, si Amber ang nangangarap maging piloto. Si Darby rin pala? Ibig sabihin, pareho lang talaga ang magkapatid.

At hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siyang gamitin ni Amber para may mai-post sa IG si Darby.

After May 2018, when Darby has supposedly YOLO'ed, wala nang selfies si Darby sa Instagram. Paminsan-pinsan na lang at kung mayroon, sobrang close-up. Mga tipong kalahati lang ng mukha ang kinuhanan. Mga pagkain, view ng dagat, bundok, skyscrapers.... damit, sapatos, bag, mga iyon na lang ang pinopost ni Darby.

Malaking pagkakaiba prior sa May 2018 posts.

Pero puwedeng sabihin na, nagbago na ng style sa IG si Darby. Baka may nam-bash kaka-selfie, baka rin pinagsabihan ng magulang na magpaka-low key muna. Paige sighed. Maraming pupuwedeng rason sa pagkakaibang napansin niya. Hindi na siya puwedeng umaksyon basta may maisipan...may pinaniwalaan.

She had learned her lesson.

One mistake and....

Tumagilid siya at pinatay ang lamp shade. Ilang oras na lang, umaga na. Kailangan niyang makatulog kahit saglit lang.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now