Untitled Part 61

1.1K 63 6
                                    


BAGO pa sumapit sa Maragondon, Cavite, kumaliwa ang puting van sa isang dirt road. ST. BENEDICT JOSEPH LABRE THERAPEUTIC COMMUNITY ang nakasulat sa karatula.Simpleng Bejola para sa mga pamilyar na sa lugar. The unfortunate ones, sa loob-loob ni Paige.

Pagkatapos ng kalahating kilometro, huminto ang sasakyan sa matayog na gate.Bumusina. Saglit lang ay pinagbuksan sila ng guwardiya, tsinek nito ang clipboard na iniabot ng driver bago sila sinenyasang tumuloy.

Sa unang tingin, ordianaryong bahay...mansion ang nasa maluwang na bakuran. White paint, arched windows, trees along the fence. Kapag tiningnan mong mabuti, mapapansin mong naka-board ang mga bintana sa itaas. Selyado. Mayroon ring ten foot tall na wire fence sa kanang bahagi ng bakuran, kalinya ng harapan ng bahay. Parang hawla sa mg zoo. Masisilip na may mga tao doon, dressed in blue loose pants and white T-shirt. Pero iyong mga wala sa hawla, naka-ordinaryong mga damit lang.

Inalalayan siya ng kasama niyang lalaki at babae pagbaba sa van. Wala siyang restrains pero binigyan siya ng pampakalma bago siya dalhin doon. Para siyang nag-inom mag-isa. Lasing at tamang lungkot. Nilinga niya ang puting van na, nangunguha ng baliw.

Her escorts nudged her to get inside the house. Mistulang lobby ng ospital ang loob. Reception counter ang mabubungaran. To the left was Dr. Helen's office, her therapist and director of the facility. Sa kanan, directly opposite ng opisina ay salas. May dalawang pasyente doong nakatambay. Gaya ng iba, pangkaraniwang damit ang suot, hindi uniform. Ang staff ang nakauniform. Light green scrubs.

NGO ang nagtatag at nagpapatakbo ng facility. NGO na may strong ties sa religious community kaya bahagi ng therapy nila ang Bible at pangangaral tungkol sa faith. Which Paige hated. May mga kasama siya doon na obsessed na sa Bible at religion in the first place, bago pa dinala doon...e, di dinaig pa ang mga pastor at pari kung makapangaral. Maya't maya na siya pinray-over ng mga leche.

Walang uniform ang ordinary 'inmates' doon dahil sabi raw ng Pope, tao rin sila at hindi dapat ituring na..something else. Sila pa rin dapat ang magdedesisyon kung ano ang gusto nilang isuot. Iyon nga lang, may mga iba na ayaw nang hubarin ang suot.

"Paige!" Tawag sa kanya ng isa sa dalawang pasyente na nasa salas. Si Lyn, nasa forties. Mukhang Desperate Housewife, which Lyn was actually. May anxiety disorder na manageable sana kung hindi natutong mag-drugs. Ayun, lalong napraning.

Kumaway-kaway ito na nakakaloko, "Kay tagal mo mang nawala, babalik ka rin..." kanta nito, may indak pa.

Paige gave her the finger.

Sa kanang dulo ng counter, hallway. Doon siya iginiya ng dalawa niyang escort hanggang makarating sila sa dulo. May double door papunta sa extension building. Nakasalubong nila sa hallway si Doc Frankie. Naka white coat sa ilalim ng khaki slacks at asul na polo. Nasa fifties ito, putting-puti ang buhok.

"Hi, Doc." Bati ni Paige.

""How are you feeling?" Tanong nito.

"Dizzy."

May lumapit kay Doc na lalaking naka-green scrubs. Inakbayan ito at iginiya palayo sa kwarto ni Paige, "Kailangan ni Paige magpahinga, Doc."

Nailing si Paige. Noong una siyang dalhin sa Bejola, akala talaga niya , totoong duktor si Dr. Frankie. Sinagot niya lahat nang tanong nito, hiayaan niyang eksaminin ang mga mata niya, teynga, lalamunan. Peke pala ang leche. Frankie dahil short for Frankenstien.

Pagala-gala lang ang mga pasyente sa wing na iyon dahil hindi naman mga bayolente. The violent ones, the criminally insane were in another building far back, nakakulong doon. And that was where she was headed because she was well, a criminal.

But yeah, she'd rather be here than in jail with real criminals. Doc Helen and her outburst with Atty. De Asis convinced everyone that she was , well, insane and should be placed immediately to a mental facility. Atty. De Asis argued that government owned facilities were over crowded and under staffed. Ginamit naman ni Dra. Helen lahat nang koneksyon para mapabilis ang transfer niya. Still, halos dalawang linggo pa rin siyang nanatili sa kulungan. Dalawang linggo na halos hindi niya maalala kung paano dumaan dahil bangag siya sa medications.

She got something called intermittent explosive disorder, characterized by violent aggression against people. Nag-ugat daw iyon sa pagkawasak ng pamilya nila noong bata pa siya--iniwan sila ng papa niya, sumama sa kabit. Bungangera at mainitin na ang ulo ng mama niya noon pa man, lalong lumala nang iwan ng asawa, nag-resulta sa isa pang rason kung bakit siya naging basket case.

Harsh parenting.

Ouch. Hindi iyon matanggap ng kanyang mama noong unang ipaiwanag ni Dra. Helen. Pati naman siya, nagulat. It confused her, her sister, her mother. Ni minsan, hindi nila naisip na may masamang epekto sa mga bata ang pambubulyaw, pangungurot, pamamalo--hanger, stick, sinturon, etcetera. Ganoon rin sa mga anak ang mga kapitbahay nila. Normal sa kanila iyon. Pero ayon kay Dra. Helen, it wasn't normal. It wasn't right.

Nang mamatay raw si Nicko, she snapped...exploded.

Whatever. Kung si Paige ang tatanungin, galit lang siya. Sa mga mapagsamantala, mapang-api. Galit siya sa kawalan ng katarungan, sa mga kasinungalinagn. Gusto lang niyang itama ang mga mali. Naging matapang lang siya na gawin ang alam niyang nararapat.

Akalain mong psychiatric disorder pala iyon.

Dahil gumamit na siya ng dahas.

Hiyang-hiya naman ang mga katipunero kay Dra. Helen.

Nakakatawa ang psychology. Pati naman ang mga taong gusto lang ng katahimikan at kapayapaan kaya lumalayo sa society ay may disorder. Ang akala niya sa taong ganoon, the enlightened one.

Kay Dra. Helen, iyon ay schizoid.

Hala ka, Buddha.

Natawa siya sa iniisip kaya lalo na siyang naging baliw sa paningin ng dalawa niyang escort.

At lalo siyang natawa.

Everyone was crazy, come to think of it.

For now, kailangan niya ang 'expertise' ni Dra. Helen.

Dahil mas may tsansa siyang makatakas dito sa Bejola kaysa sa kulungan. Sinadya niyang tumanggi na baliw siya at magwala para lalo siyang pagbintangang baliw.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now