Untitled Part 4

1.8K 79 1
                                    


May humarurot na scooter mula sa driveway ng isang bahay. Nag-preno kaagad iyon kaya natumba.

Habang si Paige, pumreno lang sa pamamagitan ng paa. Hindi siya naano.

Dinaluhan ng dalawang lalaki at isang babae ang babaing sakay ng scooter.

"Blanche, are you okay?" sabi ng babae, nakadenim shorts na itim, iyong high waist at sobrang iksi. Sorang iksi rin ang floral top na off-shoulder.

"Y-Yeah--" Bumangon ang babae. Puti ang palda nito na A-Line, corduroy, striped na blue and yellow ang polo shirt na nakapaloob sa palda.

"What about you?" Tanong kay Paige ng lalaking nagtayo sa scooter. Moreno. Matangkad. Naka-itim na polo at jeans, may cap na pula.

"Uh..k-kasalanan ko ba?" Tanong niya.

Bigla na lang siyang sinugod ng babaing natumba, "Tinatanong mo pa! Tanga lang?" Itinulak siya.

"Hey, stop!" Awat ng lalaking naka-red cap, "Hindi n'ya sinasadya, okay?"

"Natural! May katangahan bang sinasadya?" Sigaw ni Blanche. Sinugod na naman si Paige, "Sino ka ba? Ano'ng ginagawa mo dito? Are you from here?"

"S-Sa Paseo." Sagot ni Paige.

"Oh, my God! Kaya naman pala ang tanga, tanga, tanga mo!"

"Paige, shut up." Sabi ng babaing naka-shorts na itim. "It was an accident and it was your fault, actually."

"Wha---"

"You just went off like that, what did you expect?" Sabi pa ni Miss Black Shorts.

"I don't believe this!" Nagtatakbo papunta sa pinanggalingang driveway si Blanche.

Bigla namang may nagsalita sa tabi ni Paige, "Hi."

It was the other guy. Naka-asul na shorts, Sperry na asul rin at gray T-shirt, may maliit na bulsa sa kanang dibdib. Mas matangkad ito kay Red Cap. Mestiso. Namumula sa init ang pisngi, parang tansluscent ang mga labi. Medyo chinito at alon-alon ang buhok.

"Ah..hi." Bati rin niya.

Inilahad ng lalaki ang kamay, "Sean. S.E.A.N."

"P-Paige." Nakipagkamay siya dito.

"Very pleased to meet you, Paige."

Nanghilakbot siya. Parang hahalikan pa ng lalaki ang kamay niya. Pero nagbibiro lang pala. Tinawag nito si Red Cap, inakbayan, "And this is my friend, Ty. T.Y. As in thank you."

"Hi." Bati ulit niya.

"And I'm Amber." Kinamayan rin ni Miss Black Shorts si Paige. Luminga ito sa driveway, "That's Blanche. Ahhmm, pasensya ka na, ha."

"She forgot to take her meds." Sabi ni Red Cap..Ty. Tatawa-tawa.

"Shut up, Ty." Sabi ni Amber.

"Just kidding."

Lumapit pa kay Paige si Amber, "Can we talk--" sumenyas ito sa katapat na bahay.

"S-Sure." Bumaba siya sa bike, pinagulong na lang niya habang naglalakad.

Huminto si Amber sa tabi ng driveway, "Ty is right. Blanche has problems. I want to apologize."

"Ha? O-Okay lang, hindi naman ako naano...kasalanan ko rin. I wasn't paying attention. Kala ko, solo ko ang kalsada."

"Still, she shouldn't have screamed at you like that."

"Nagulat s'ya. Tsaka natakot. Okay lang."

"You're so nice, Paige. Saan ka sa Paseo?"

"Kay Mamsh Sef Gorospe. Assistant n'ya ako. May meeting s'ya sa Terazza, naisip kong mag-bike na lang muna."

"Ganun ba? Uh, can I get your number?" Kinuha nito sa Pink na Tory Burch handbag ang cell phone na mas mahal pa sa buhay ni Nicko. "I'm throwing a party tonight. Kami-kami lang. Sa beach. I'm inviting you, ha."

"Ha? E...baka hindi ako payagan."

"Silly. I'll pick you up myself. But first--" ibinigay nito sa kanya ang cell phone.

Tinype niya doon ang number niya at pangalan.

"Uh, babalik na 'ko sa Terazza." Sabi niya pagkabalik ng cell phone kay Amber.

"Okay. I'll see you later, ha. Seven-thirty-ish." Nilinga nito ang dalawang lalaki, "They're gonna kill me if I don't bring you tonight."

"Ah." Napangiti si Paige. "S-Sige, una na 'ko."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now