Untitled Part 33

1.1K 58 1
                                    


WHAT a tragedy." Sabi ni Mamsh pagpasok ni Paige ng bahay. Tinungga nito ang laman ng rock glass na hawak.

"Oo, nga po." Naupo si Paige sa sofa.

"I heard the mother's claiming there's a foul play involved."

"Bakit daw po?"

"She's claiming her daughter wasn't suicidal. The psychiatrist the girl was seeing said she was making progress."

"Mahilig daw po maghiwa ng pulso si Blanche."

"I know someone who does that. She said, it's not that she's practicing how to kill herself. She's just...addicted to the pain like it's some sort of punishment. Sabi naman nung iba, kapag sinasaktan nila ang sarili nila, dun lang nila nararamdaman na buhay sila. Malay ba natin? Natural lang ang reaction nung mother, masakit tanggapin 'yun, eh. Nag-iisang anak pala 'yun. My God, I can't imagine--" idinikit nito sa sintido ang baso. "Too much pain...too much suffering in this world. Ano na ba ang nangyayari sa mga tao, Paige?"

"Hindi ko rin po alam."

"Nasa kinakain ba? Dahil ba sa social media? Naloloka ako, ayoko ng ganito." Lumapit si Mamsh sa consul table kung saan nakapatong ang lalagyan ng alak. Nagsalin uli sa baso. May dinampot na envelop doon, "This is for you."

Inabot ni Paige ang envelop, "Kanino po galing? Ano po 'to?"

"Mukha bang binuksan ko? Dinala dito ni Manong Guard kanina, para daw sa 'yo."

Wala namang nakasulat sa harap ng envelop. Binuksan na lang ni Paige.

Nakatuping papel, parang pinilas sa sketch pad.

Drowing ng mga puno.

"Blanche?" Bulalas niya. Iyon ang nakasulat sa lower right corner ng sketch.

"Let me see that?" Inagaw ni Mamsh ang drowing. "It's good. Detailed. Kilala ko 'tong mga puno na 'to. Marami nito dito. Kind of acacia. Matinik."

"Bakit ako binigyan ni Blanche ng drowing?"

"Well, maybe the mother is wrong. That girl really committed suicide. Baka nagpapaalam s'ya sa 'yo."

"We're not friends, Mamsh. Bakit s'ya magpapaalam sa 'kin?"

"Malay ba natin kung ano tumatakbo sa isip ng mga ganun?" Ibinalik nito ang drowing kay Paige.

She looked at it again hard. Mga punong may tinik, parang nasa mababang burol.

"Aakyat na po ako, Mamsh." Aniya.

"Okay. I'll just stay here and feel bad about....mankind."

Inilatag ni Paige ng maayos sa kama ang sketch ni Blanche at nilitratuhan. Ipinadala niya kay Ty kasama ang tanong kung may natanggap rin itong 'souvenir' mula kay Blanche.

Sumagot naman agad ang lalaki:

YUP. IT'S WEIRD.

Kalakip ng sagot ang drowing na hawak nito. Then he called.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now