Untitled Part 37

947 51 1
                                    


UBOS ang adobo nilang dinner ni Mamsh. Nagustuhan rin ang adobo, inutusan si Paige na bumili ulit sa karinderya. Bukas na bukas raw. Natawa siya. Pang-masa pa rin ang dila ni Mamsh kahit sosyal-sosyalan ang peg.

Nagliligpit na siya ng kinainan nang mag-text si Wendell. Hindi pa sana niya sisilipin ang cell phone kung hindi lang niya naalala ang pinapatanong sa lalaki.

At tungkol nga doon ang message nito.

HINDI MO DAW KAMUKA MAS MAGANDA KA KAPAL DAW MAKE UP PERO UN ISA KAMUKA NG TUMALON SA FAIRWAY.

Nag-reply siya ng THANK YOU. Pero ano ang ibig sabihin niyon? Hindi si Darby ang nakita ni Kuya Will sa burol. Si Blanche at isa pang babae....sino? Si Amber kaya? Malamang.

Kung hindi kasama ng dalawa sa burol si Darby, bakit naroroon ang sapatos? Baka hindi lang nakita ni Kuya Willy si Darby dahil nasa kotse pa?

Ewan.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now