Untitled Part 29

1.1K 67 0
                                    


I'M gonna trace my steps." Sabi ni Ty, papasok sila sa golf course.

"Nag-golf ka."

"Yup. I know, I know. Napilitan lang ako nung una, pero nagustuhan ko. Exciting s'ya , actually. Kala mo lang boring."

"Wala akong sinabi." Aniya. Umakyat sila sa slope, maya-maya ay huminto si Ty, inaninag ang damo at mga halaman doon.

"Ano ba kulay ng wallet mo?"

"Brown. Luma na. Nasa bahay na 'ko nung malaman ko."

"Baka may nakapulot na?"

"Yun lang. Shit, wag naman sana."

"Mas cash ba?"

"Wala naman gaano, 'yun lang mga ID, lisensya ko, cards, alam mo na."

"Shit, oo nga. Itawag mo na agad 'yung mga credit card at ATM para in case hindi mo na makita."

"That's encouraging."

"Mabuti na 'yung sigurista...wait, wala bang lost and found dito?"

Napamulagat ito kay Paige, "May tama ka. Tara." Hinila nito ang kamay niya, bumalik sila sa pinanggalingan, kumanan sa covered walkway hanggang makarating sa maliit na building na panay golf cart ang nakapark sa labas.

Itinuro sila ng guwardiya sa unang pinto sa kanan. Ty knocked then opened the door. Opisina. May dalawang empleyado. Busy sa computer ang babae, busy sa Mobile Legends ang lalaki.

"Excuse me, good afternoon." Tawag ni Paige. Iyong babae ang nag-angat ng mukha, "Sino in-charge sa lost and found?"

"Nawawala kasi wallet ko, nalaglag yata."

Tinawag ng babae ang lalaki, "Samahan mo sila, Jek. Parang may dinala ngang wallet kanina si Kuya Will."

Halatang masama ang loob ni Kuyang ML na maabala. Walang imik, sinenyasan lang silang sumunod sa kanugnog na silid ng opisina. Parang walk-in closet lang iyon kalaki, may magkaharap na open cabinet, square ang bawat compartment. Kung anu-ano ang nakalagay: scarves, mga panyo, laruan, kahon na naglalaman ng mga lighter, key rings.

"Lahat na napupulot sa golf course, d'yan nilalagay. Pag wala d'yan, wala." May kibit-balikat na sabi ni Kuyang ML.

Nag-tig-isa ng cabinet sina Paige para mas mapabilis ang paghahanap. Ty pulled a box, hinalukay ang laman.

Paige scanned the cabinet, naghahana siya ng brown na leather malamang....may nahagip ang mata niya sa second to the lowest compartment.

Sapatos.

Beige na high heel, may strap sa sakong. May mga nakadikit na silk florets sa strap. Inaalikabok na.

"Yes!" Sigaw ni Ty.

May hawak na itong wallet paglingon ni Paige, "Yan 'yun?"

"Oo." Halatang relieved na relieved si Ty. "Shit buti na lang." Tsinek nito ang wallet, "Sino ang nakapulot nito kuya?"

"Si Kuya Will siguro."

Kumuha ng cash sa wallet si Ty, ibinigay kay Kuyang ML, "Pakibigay sa kanya. Salamat kamo."

"Okay po, Sir."

"Tara." Aya ni Ty kay Paige, napatingin ito sa sapalos na hawak niya, "Sa 'yo 'yan?"

"H-Hindi pero...pamilyar. Nakita ko na 'to, kina Amber."

"Baka kay Amber 'yan, dalhin mo na na. Bigay mo pag nakita mo."

Isinilid niya ang sapatos sa bag. Si Ty na lang ang pumirma sa log book.

"Ty--" huminto si Paige sa may pinto paglabas nila ng opisina. "Itong sapatos....sa picture ko lang nakita. Suot ni Darby. Nung anniversary daw ng parents nila."

"Baka nga kay Darby. Baka nalasing, naiwan ang sapatos. Soli mo na lang kay Amber."

"Um...there's something else."

"Ano 'yun?"

Cell phone naman ang inilabas ni Paige. Ipinakita niya kay Ty ang video.

"It's Ollie." Sabi agad nito.

"Nakilala mo kahit hindi kita ang mukha?"
"Korteng Ollie ang ulo, eh." Pinanood nito ang video. Pagkatapos ay, "Kailan ito? Paano mo nakunan?"

Sinabi niya.

"Pusher naman talaga 'tong hayup na 'to. At least ngayon, may video na. Tsaka, kita pangalan nung kausap, dalhin natin sa security para mapaalis na dito." Ngumiti ito kay Paige, "Nice one, Sherlock."

Ngumiti siya pero saglit lang, "Hindi mo ba rinig sinasabi n'ya?"

"Hindi masyado, lakas ng hinga mo, eh. Wait." Kinuha nito sa bulsa ang earphones.

Naglakad na sila palabas ng building habang nakikinig sa audio ng video si Ty.

Huminto ito sa walkway, "What is he talking about?"

"Nung coming out party, nung umalis ka kasi may bumunggo sa sasakyan mo or something, dumating si Ollie. He tried to...um..force himself--"

"What?" Parang nanghina si Ty, naupo sa bench. "Shit! Si Amber ang tumawag sa 'kin, pag-check ko naman, walang gasgas 'yung sasakyan. Tas kasalubong ko s'ya pagbalik ko, inaya ako sa bar...now I know. She was giving Ollie time to---"

"Pasalamat ako kay Blanche." Naupo si Paige sa tabi ni Ty, "Kung hindi dahil sa kanya, baka..napatay ko na si Ollie."

Natawa ng bahagya si Ty. Nauwi iyon sa iling, "But Amber? How could she...and why?"

"Hindi ko rin alam. Hindi ko maintindihan."

"Sean." Sabi ni Ty.

"Ha?"

"I think it's about him. She's crazy about him. Si Amber. Si Sean ang pinag-awayan nila ni Darby ng malala noon. Alam ni Darby na may gusto si Amber dun, so she slept with Sean. Hindi ko lang maintindihan sa kanilang dalawa bakit napaka-big deal ni Sean. Kita mo naman asta nun."

Tumango si Paige, "Actually. Guwapo s'ya oo, pero..ang sabaw."

"Still, nagseselos siguro sa 'yo si Amber. Kahawig mo si Darby tapos pinopormahan ka ni Sean. Lahat naman pinopormahan nun."

"Kung 'yan ang dahilan, de magsama sila. Pareho silang sabaw."

Ty laughed. Nakipag-high-five kay Paige.

"Coffee na lang tayo tas email natin 'yang video sa security. 'wag mo nang isipin si Amber. Ang importante, alam mo na ngayon ang totoo n'yang kulay." Tumayo ito, "Tama si Mommy. May sayad 'yang pamilya na 'yan."

Naglalakad na uli sila nang makitang humahangos ang mga guwardiya at sa di-kalayuan ay sumirena ang, "Pulis 'yon o ambulansya?" Aniya.

"Can't tell."

May mga emplado na rin na tumatakbo. Nakitakbo sila hanggang may nakasabay na isang staffer.

"Brod, ano nangyayari?" Tanong ni Ty.

"May tumalon daw sa Fairway."

"HA?" Sabay pa ni Paige at Ty.

"Mula rooftop."

"Oh, my God."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now