Untitled Part 26

1.1K 65 8
                                    


ENCLAVA ang tawag sa bahaging iyon ng Pueblo. May pahabang istraktura na naglalaman ng coffe shop, spa. Salon, wine store, some sort of offices.

Nakatanaw ang coffee shop sa golf course at driving range kung saan nagpa-practice ng palo ang golfers. Sa tabi ng pasimano nakaupo si Mamsh, nag-iisa pero base sa mga inorder, may kasama ito.

"Sorry, Mamsh." Sabi ulit Paige pagkakita sa amo. "Uuwi ka na?"

"Later na. Magpapamasahe muna ako."

"Opo. Sige po. Maghihintay na lang ako dito. Nasaan na po ang kasama mo?"

"Nauna na s'ya sa spa." Tumayo ito, "Sa parking ka na lang maghintay. May hintayan dun."

"Opo." Hinintay muna niyang makalayo si Mamsh bago siya bumalik sa parking area.

May kapirasong waiting shed naman nga. May bubong pero kapag umupo ka na, nakabilad sa init ang legs mo at binti. Naghanap na lang siya ng ibang matatambayan.

Bumaba siya sa palusong na EXIT at umikot pakanan sa ibaba. Maraming malilim na area doon at may mga halaman kaya malamig-lamig. Nakahanap siya ng ideal spot.

Lumaktaw siya sa hedge na santan bush at naupo sa ilalim ng puno--hindi niya alam kung anong puno, pero puwede pang gawing handrest ang mga ugat.

Perfect.

Tumalab na ang Advil kaya ala-ala na lang ang sakit ng ulo niya kanina. And taking a shower helped. Maayos na ang pakiramdam niya. Nagtext na lang muna siya sa mama niya. Lagi silang nag-aaway simula bata pa siya at lalo na noong mamatay si Nicko. Hindi kasi maintindihan sa kanila ang sama ng loob niya sa nangyari. Hindi pa raw naman niya asawa, daig pa niya ang nabiyuda. Ang bata, bata pa raw niya, ang dami pa niyang mahahanap na kapalit. Bakit niya sinisira ang buhay niya sa taong hindi na babalik kahit kailan at wala nang pakialam ano man ang mangyari sa kanya?

Nakakapikon. May sariling issues ang nanay niya at sa kanya binubunton ang bitterness.

Pero ngayong malayo siya sa ina, medyo umokey sila. Panay ang paalala niyon sa kanya na mag-iingat, huwag matigas ang ulo, kakain sa oras. To be honest, nami-miss na niya ang nanay niya at bahay nila.

Umislide pa siya ng kaunti sa damo para naka-semi higa na siya, umunan siya sa ugat ng puno at pumikit. Ang gusto lang naman niya ay tanggapin ng pamilya niya na nasasaktan siya sa pagkawala ni Nicko, na galit siya sa nangyari. Mahirap ba'ng intindihin na importante sa kanya si Nicko at nang mawala iyon, ang dami ring nawala sa kanya, nangunguna na ang mga pangarap.

Mataas ang pangarap nila ni Nicko. Nangako sila na tutuparin iyon na magkasama, magkatulong. Alam naman nila ang hirap ng buhay, wala silang plano na magpakasal agad. Magtatapos sila ng pag-aaral, magtatrabaho. Mag-iipon sila sa loob ng limang taon. Iyon ang gagamitin nila sa pagpapakasal--hindi sa simbahan, sa huwes para hindi magastos at may matira pa para sa pagsisimula nila ng buhay may asawa. At kahit makasal na sila, magtatrabaho pa rin siya para dalawa ang income nila.

Iiwas sila sa mga luho....pag nakaipon na sila ng mas malaki, magnenegosyo na sila.

Madaling isipin, mahirap raw gawin sabi ng marami. Pero naniniwala siya na kaya nila ni Nicko tuparin lahat iyon. Determinado sila, eh. Marami rin naman silang kilala na mag-asawang nagsimula sa walang-wala, pero sa pagtutulungan, umangat ang buhay.

Hindi sina ni Nicko ang tipo ng couple na pasikat sa social media, hindi nila pangarap na maging kagaya ng mga sikat na couples doon. No, they would that couple they interview on TV shows such as My Puhunan. Inspiring. Low-key.

Pero wala na si Nicko. Hindi na babalik. Ramdam niya ang pangingilid ng luha. Alam naman niya, kailangan niyang ituloy ang buhay niya at pangarap, pero hindi pa niya magawa. Hindi pa siya makapagsimula. Para lang siyang nakalambitin, hindi makaalis sa kinalalagyan, hindi alam kung kailan mahuhulog o kung kailabn makakawala.

When Nicko died, everything just...stopped.

Naiintindihan ng lahat ang sakit na nararamdaman ng pamilya ni Nicko, pero ang sakit na nararamdaman niya bilang girlfriend at best friend, parang walang nakakaintindi. Makakahanap daw siya ng kapalit ni Nicko pero ang magulang niyon at mga kapatid, siempre, hindi.

Masakit sa kanya na marinig ang ganoon. Hinuhusgahan ang pagmamahal niya kay Nicko....napalinga siya sa kaliwa niya. May narinig siyang boses ng lalaki at pamilyar.

"San ka na, bruh?" Sabi ng lalaki sa ibaba ng kinaroroonan ni Paige. Pagapang siyang sumilip sa edge. Kahit ulo at balikat lang ng lalaki ang kita niya, hindi siya maaring magkamali.

Si Ollie.

Nakaupo sa baitang ng makitid na hagdanang konkreto na pababa sa gubat. May isa pang lalaki pa paakyat naman. Staff ng resort base sa uniform. Tinanguan nito si Ollie.

Iniapat ni Paige ang mukha sa damuhan habang kanda silip pa rin siya.

May kinuha sa bulsa si Ollie paglapit ng lalaki.

Laking Bacoor si Paige, kabisado niya bawat kalsada at eskinita...ang mga ganap doon. Kaya pamilyar na pamilyar sa kanya ang kilos nina Ollie. Nakikita rin niya iyon sa mga lalaking akala mo ay nakatambay lang sa mga bangketa, usually ay malapit sa poste.

Kinunan niya ng video ang dalawa. Hindi nakikita ang mukha ni Ollie, pati ng katagpo nito doon , pero tiniyak niyang mababasa ang name plate ng huli pag zinoom in. Nag-focus rin siya sa braso at kamay ni Ollie, may tattoo ito sa may hinlalaki, parang frat or something.

Ziplock bag na sinlaki ng playing card ang inilabas nito, naglalaman ng mga tablet. Kapalit niyon, white envelop. Sinilip ni Ollie. Cash ang laman. Mga one-thousand peso bills.

Huwag sana mamatay ang baterya niya, dasal ni Paige. Hindi pa fully charged ang cell phone nang dalhin niya.

Then the transaction was over. Balewalang bumaba na uli ang kasabwat ni Ollie. Si Ollie, tinupi ang envelop, isinuksok ng maayos sa bulsa ng skinny jeans.

His mobile rang.

Pati naman si Paige ay nagulat.

"He-eeey, Amber!" sagot ni Ollie sa phone. Nakinig. Biglang parang natatawa na hindi makapaniwala, "What? Are you serious? Lo-bat ka 'no? I did what you want, nakelam si Blanche, ano pa magagawa ko?" Tumahimik uli ito bago bumulalas, "Rape?! Ano'ng rape? I wasn't. We're making out. Just as you asked me to, I seduced her, she gave in. I wasn't forcing myself, Blanche is lying. Sira-ulo 'yan, eh." Another pause. Then, "Babalik na 'kong Manila. It's not my problem kung di mo na-video, si Blanche ang sisihin mo." Nagsimula nang bumaba ng hagdan si Ollie, "Yeah, thanks for getting me in, by the way." He chuckled like he was really pleased with himself.

Pababa ito nang pababa hanggang nawala na sa paningin ni Paige. And she just lied there, breathing furiously.

Amber.

Inutusan ni Amber si Ollie na akitin siya....kamuntik na siyang mapagsamantalahan dahil doon.

Kung hindi nga dumating si Blanche.

Blanche.

Walang tigil sa pagsasabi sa kanya si Blanche na layuan si Amber. Dahil alam ni Blanche na....kagaya ni Darby, hindi rin mapapagkatiwalaan si Amber.

Iniiwas siya ni Blanche sa kapahamakan.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now