Untitled Part 56

991 47 3
                                    


DUMILAT si Paige para lang mapapikit uli. Silaw na silaw siya sa ilaw, nakatapat pa iyon sa mukha niya. May mga tao sa paligid, nag-uusap pero hindi niya maintindihan. Masakit ang ulo niya....

Ulo niya...napabalikwas siya at kinapa ang likod ng ulo. May pumalo sa kanya...napatingin siya sa kamay, nagulat nang ma-realize na may hawak siyang kutsilyo. Kutsilyo ni Mamsh....

Naalala niya si...

"Tita---" Si Tita Monique, nasa sasakyan, duguan. Sinubukan niyang tumayo , may umalalay sa kanya. Lalaking naka-asul...pulis...mga pulis. Nang maitayo siya, pinosasan na siya. "'Wag po! Si Tita! Si Tita!" Pero wala na sa sasakyan nito si Tita Monique. Mga dugo na lang ang nakikita niya.

Napatingin siya sa sarili. May dugo rin siya sa damit. Sa kamay. Pinigilan siya ng mga pulis.

"Ano'ng nangyayari?" May ambulansya rin sa kalsada...maraming tao. Ang isa sa mga pulis, hawak ang bag niya. Bigla na lang may humawak sa ulo niya, pinayuyuko siya para maisakay sa police mobile. "Si Tita...parang awa n'yo na...nasa'n si Tita Monique?" Hindi siya sinagot ng mga pulis, ipinagtulakan na siya sa sasakyan.

Hindi na napigil ni Paige ang takot. Nagsisigaw na siya at nagwala, "Saan n'yo ko dadalhin! Pakawalan n'yo ako!"

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now