Trapped with Spiro Gray

68.4K 964 43
                                    

PROLOGUE

Hawak ko ang maliit niyang kamay habang sabay kaming naglalakad papunta sa isa sa pinaka-gusto niyang lugar. At 'yon ang 'yung sa playground malapit samin kung saan natatanaw namin ang malaking picture ng tatay niya.

"Ma, saan po ba si Papa?" Napanis ang ngiti ko nang bigla siyang magtanong tungkol sa tatay niya.

"Ha?" Ang tanging sagot ko. Nawawalan ako lagi ng sasabihin kapag tungkol sa tatay niya ang mga kadalasan niyang tanong.

"Si Papa po, saan siya?" Hindi maalis ang tingin ko sa kulay tsokolate niyang mata at ang namumula niyang labi. He really looked like his father in his younger days.

Lalo na dahil mukha ring tiyanak itong batang 'to. I've seen his pictures when I was staying with their whole family. Mukha siyang tiyanak noong bata pa na nakuha naman ng anak ko.

"Anak... alam mo naman na may trabaho si Papa, diba?" Naupo ako sa isang bakanteng batong upuan at lamesa sa park. Pinatong ko rin doon ang dala kong baon in case na magutom ang anak ko.

"Kailan po siya uuwi?" Nakakunot ang noo niya at mukhang seryosong seryoso sa buhay.

"K-kapag tapos na siya sa trabaho." Sinikap kong ngumiti habang iniisa isa ang dala ko mula sa tubig hanggang sa pamalit niya mamaya.

"Kita ko po mukha ni Papa sa building kanina, Mama." Muntik akong mabilaukan sa sinabi niya.

He knows his father, all right? Alam niya ang pagmumukha nito dahil hindi ko naman tinago sakanya ang tunay na pagkakakilanlan ng ama niya.

"T-talaga?" Ngumiti siya sakin kaya sumilay ang maliliit niyang ngipin na sa tingin ko ay malapit na mapalitan.

"Opo, naka itim po si Papa sa picture sa building." Iyong billboard 'yung tinutukoy niya. Napangiti ako dahil nakakalat ng ang pagmumukha ng lalaking 'yon.

Dahil at 28 years of age, he's smoking rich. Multi-billionaire na agad ang lalaking 'yon. Good for him. Hindi nabaliwala ang sakripisyo ko para sakanya. Sure akong proud ang ama niya sakanya. Wala nga lang asawa. Pero hindi ko alam kung may girlfriend kasi mailap 'yon kapag gano'ng tanong na.

"Pogi ba si Papa, anak?" Hinila ko palapit sakin ang batang bata kong anak at pinatalikod para malagyan ko ng towel ang likod niya.

"Pogi po! Kamukha ko!" Humagikgik siya kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Ako kaya ang kamukha mo." Dinampot ko ang powder at nilagyan din siya.

"Si Papa po kamukha ko." Giit niya kaya napasimangot ako. Alam ko naman 'yon pero ginigiit ko na kamukha ko siya.

"Hmp." Umarte akong nagtatampo.

"Mama..." Humarap siya sakin.

"Bakit?" I caressed his face.

"Bakit po 'di pa uuwi si Papa? Di ko pa po siya nakikita sa personal, lagi na lang sa picture." Pinilit kong ngumisi.

"Anak, busy kasi si Papa. W-wala pa siyang oras na bumisita satin." Nagtatanong na siya. Nagtatanong na siya about sa tatay niya.

"Kahit po tawag lang? Mukha lang po niya alam ko." Tumungo siya.

"S-sobrang busy kasi ni Papa, anak. T-teka, bakit mo natanong?" Kanda utal utal ako sa pagsasalita.

"Sila Buchok po kasi sabi nila wala akong papa pero kapag sinasabi ko na si Papa yung nasa picture sa malaking building, ayaw nila maniwala." Nag-ulap ang paningin ko. Ang Buchok na sinasabi niya ay ang kalaro niya na anak ng kapitbahay namin. Hindi ko alam na sinasabihan niya ng kung ano ano ang anak ko. Kukutusan ko 'yon mamaya.

"Skyros, anak, may Papa ka. Kailangan niya lang magtrabaho para mabili lahat ng gusto mo katulad ng laruan." Parang pinipiga ang dibdib ko nang unti unting umakyat ang luha niya.

"Pero, Mama... Si Papa po gusto ko hindi laruan. Si Papa po, Mama. Miss ko na po si Papa." Unti unting bumuhos ang mga luha niya and I couldn't do anything, but to hug him.

"Shh. Tahan na, anak. Uuwi rin si Papa. H-hintay lang tayo." Pagpapatahan ko.

"Mama?" Sumisinok pa ang boses niya.

"Bakit?"

"Love po ba ako ni Papa?" Mapait akong napangiti ako sa tanong niya.

"Love na love, anak."

I know he will love you once you meet each other.

"Bakit hindi po siya magpakita o kahit tumawag?" Hinarap ko siya. I wiped his little tears.

"Galit ka ba sakanya dahil don?" Nanatili siyang tahimik. "'Wag kang magagalit kay Papa, anak. Mahal na mahal ka no'n kaya dapat mahal mo din siya, okay ba yon?" Unti unti siyang tumango kaya napangiti ako.

"Opo, Mama."

"Hintay pa tayo ng konti, ha?" Hinaplos ko ang maputi niyang braso.

"Konti?"

"Oo, konti..."

Because one of these days, ipapaalam ko na sakanya na nagbunga ang ginagawa namin noon. Handa kong saluhin lahat ng galit niya dahil sa pagtatago ko kay Skyros. I'm willing to get punished for my son's happiness.

And my son's happiness is him. His father, Spiro Gray.

LESSURSTORIES
hello. please, avoid recommending this on TikTok. you can recommend my other stories, but not this. thank you.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon