TWSG : 15

31.4K 543 17
                                    

CHAPTER 15

PHAMELA

          "WHAT PLEASURE, SPIRO?" Nandoon pa rin ang seryosong si Sir Jackson. Mukhang kakarating niya lang dahil kung kanina pa siya dito ay hindi na siya magtatanong.

"Well, it... Uh..." Tumingin ito sakin na para bang nanghihingi ng tulong kaya umiwas ako ng tingin. Bakit ako? Bakit sakin siya manghihingi ng tulong?

"Are you fucking someone?" Namilog ang mata ko. Dito talaga sila sa harap ko maguusap ng ganyan? Ang awkward! "Answer me."

"It was just an accident." Simpleng sagot ni Spiro.

"Accident? Was it an accident that you took off your clothes then fuck a girl?" Seryosong seryoso ang boses nito kaya napatungo si Spiro. Spiro respects his Uncle Jackson so much. "What if you got her pregnant?"

"I won't. I know how to control myself, Tito." Bumuntong hininga si Sir Jackson.

"Just be careful. You are your dad's heir. You can't impregnate anyone unless you have your own money. Your dad will be devastated." Napalunok ako. Totoo naman. Masisira si Spiro kung sakaling makabuntis siya.

"I don't want a baby either." Tumungo ako. Edi 'wag siyang makipag-sex! "I'm sorry, Tito. I didn't mean to say those words." Sir Jackson tapped Spiro's shoulder.

"Anyway, do you have honey? Your Tita Loraine wants to eat some." Tumango si Spiro.

"Meron. Why? Is she pregnant?"

"She's not." Busangot ang mukha nito. Sumilay ang ngisi ni Spiro kaya mas bumusangot si Sir Jackson. "Ayaw na ng Tita Loraine mo ng isa pang baby."

"Well, you are old." Umawang ang labi ni Sir Jackson at mukhang na-offend siya na tinawag siyang matanda ni Spiro!

Pasimple akong umalis do'n at lumabas ng bahay, naabutan kong nando'n si Garret at may dalang vape! Humihithit siya nito kaya lumapit ako. Mabango kasi.

"Uy! Si Spiro?" 

"Kausap pa si Sir Jackson." Ngumuso si Garret bago humithit ulit. "3rd year na kayo, 'no?" Tanong ko.

"Yup." Ngumisi siya. 

"Si Spiro ba pati si Louise mag-girlfriend at boyfriend?" Biglang tanong ko kaya nasamid siya sa usok. "Hala? Okay ka lang? Nagulat ba kita?"

"Sakit!" Reklamo niya at hinawakan ang lalamunan niya. "Bakit mo natanong? Selos ka?" Namilog ang mata ko.

"Hindi. Bakit ako magseselos?" Kalmado kong tanong. "Matanda na 'yon para sakin, 'no. He's four years older than me."

"So? Yung iba nga may 30+ age gap." Napalunok ako. 

"E, basta! Hindi ako nagseselos." Nag-iwas ako ng tingin. "Pang legal age lang ang kasabihan na 'Age doesn't matter'."

"Weh? Crush mo si Spiro, 'no?" Mabilis akong umiling. "Oh? Bakit ka nagtatanong."

"Wala. Kasi..." Tumikhim ako. Dapat bang sabihin ko sakanya yung nakita ko? "Kasi... n-nakita ko silang nagki-kiss ni Louise kaya nagtataka lang ako na kung magkaibigan sila, bakit sila naggagano'n?" Napangisi siya kaya mas lalong gumulo ang isip ko.

'Yon ang nakita ko kagabi.

"Phamela, Louise likes Spiro since the first day. She's willing to do anything to please my cousin and Spiro, he's still a man with needs. Kaya kahit magkaibigan lang sila, may ilang beses na hindi talaga maiiwasan 'yon." Napatungo ako.

"Gano'n ka rin ba?"

"What? No. Hindi ako nakikipag-sex sa kaibigan. Virgin pa 'ko, 'no!" Niyakap pa nito ang sarili niya na parang may pinoprotektahan.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now