TWSG : 18

30.4K 540 10
                                    

CHAPTER 18

PHAMELA

           "MALULUNOD AKO! Teka lang!" Tumawa ako habang pinagmamasdan si Ryder na buhat buhat nila at mukhang ready na sila ibagsak ang lalaki sa pool.

"Hey, stop that! Baka mamatay siya!" Sigaw ni Azariella.

Naliligo na ang lahat habang ako ay kumakain pa sa gilid. Parang ang sarap ata ng sauce na ginawa ni Garret? Kanina ko pa ito kinakain, ah?

"Phamela, halika na!" Sigaw ni Ellis habang nakasakay sa salbabida na baon ni Matthias. Tumango ako bago inangat ang hipon na kinakain ko.

"Kumakain pa ako!" Hindi niya na ako pinansin dahil inaway na rin siya ni Matthias about do'n sa salbabida. 

Actually, hapon na ngayon. Natulog kasi muna sila bago kumain ng tanghalian at nag-swimming. Kailangan daw nila ng energy para sa swimming. Hinanap ng paningin ko si Spiro. Nasa gilid din ito at pasimpleng kumakain ng hipon. 

Hindi pa sila umiinom at mukhang trip nila na mamayang gabi uminom. 

"Spiro! Nag-text si Bryan, gusto raw nilang sumunod dito." Bungad ni Garret na kumakain ng barbeque habang hawak ang phone.

Kumunot ang noo ko. Susunod sila? Sino sino? Kasama na naman ba ang Louise na 'yon? Hindi naman sila invited kaya bakit sila pupunta? Hindi ba sila makapag-hintay sa pag-uwi namin at gustong agad agad na pupunta rito?

"Sure, but tell them to use their car and bring some snacks for later. No need to buy liquors." Kinagat ko ng mariin ang labi ko.

Pinapunta niya talaga? Iinom sila? Akala ko ba kami ang iinom? Kainis! Bakit ba parang ang laki pa ng problema ko kung pupunta sila? Hindi ko naman dapat desisyon dahil hindi ko naman birthday.

"Nice!" Humahagikgik si Garret habang nagtitipa sa telepono nito. Umirap ako sa kawalan. "Gagi! Papunta na pala. Seems like they don't need your approval." Bumuga ako ng hangin.

Tinignan ko muli si Spiro na nakangisi na ngayon at nakikipagtawanan kay Garret. 

Tumayo ako para mag-hugas ng kamay at para magpababa ng pagkain sa t'yan. Sinuklay ko ang sariling buhok gamit ang sariling mga daliri pagkatapos kong gawin.

Tinignan ko ang mga naka-one-piece na sina Eirene. Hindi naman ako nagdala ng ganon pero girl's scout ata si Keinna at nagawa niya akong dalhan no'n.

"Bro, sunduin ko lang sila sa labas." Sambit ni Garret kay Spiro kaya muli akong umirap at nag-walkout na rin.

Kinuha ko ang one piece na kulay pula na para sakin. Nilapitan ko rin si Spiro kahit na medyo labag 'yon sa loob ko. 

"Ako ang matutulog sa wooden bed mamaya." Bungad ko. Napatingala siya sakin.

"But, I want to sleep here as well." Kumunot ang noo ko.

"Gusto kong matulog d'yan. Doon ka na lang sa mga kapatid mo o kaya sa mga kaibigan mo tumabi. Gusto kong matulog d'yan." Sumilay ang ngiti niya pero nawala rin 'yon nang bumaba ang tingin niya sa tela na dala ko.

"What's that?"

"Swimsuit. Ako ang matutulog d'yan." Matalim ang tingin niya sa swimsuit na dala ko.

"You are not going to wear that stupid cloth." Kumunot ang noo ko bago bumaba ang tingin sa sariling swimsuit.

"Susuotin ko 'to, Spiro. Isa pa, ako ang matutulog d'yan." He licked his lips before he slowly smirked.

"About that, why don't we sleep together on that bed?" Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now