TWSG : 56

36.5K 608 87
                                    

CHAPTER 56

PHAMELA

                  TANGHALI NANG tinext ko si Zero para pumunta sa mansion dahil  gusto ko ng pormal na magpaalam tungkol sa pag-aalis ko sa FHM at para malaman na buntis ako. Gusto ko mag sorry lalo na't alam kong nagbigay ako ng kaonting motibo sakanya.

Sinabi ko sa kanya na walang nangyari samin ni Spiro pero ito ako at buntis. Guilty ako dahil sa palagay ko pinaasa ko siya at naalala ko noon na kung sakaling mabuntis ako ay pananagutan niya ako at niyaya niya akong maging active ulit pero tumanggi ako, ayokong isipin niya na kaya tumanggi ako dahil active naman na ako kaya tumanggi nga ako sakanya.

Katulad ngayon alam kong busy siya pero pupunta raw siya para makita ako at para malaman kung ano ang sasabihin ko. Nagpaalam na rin ako kay Ma'am Brie kung pwede bang papuntahin ko si Zero dito at pumayag naman siya, wala daw problema.

Si Spiro naman pumasok na sa kompanya. Dito sa bahay ay halos lahat sila may kanya-kanyang ginagawa kahit si Peach umalis na kaya ako na lang mag-isa. Ang mga pinsan naman nila ay may kanya-kanyang ginagawa kaya walang akong makausap maliban sa mga kasambahay. Skyros naman pumasok na sa school.

Nabanggit ko kay Eirene na may passion ako tungkol sa pagpipinta kaya kaninang umaga nakita ko ng binilhan niya ako ng art materials kaya ito ang pinagkakaabalahan ko habang nasa kama ako. Ang madilim na dagat ang una kong pininta. Ang pangalawa ay ang ina at sanggol parang kami ng baby na nasa loob ko. Ang unang pininta ko naman na madilim na dagat ay katulad noong 16th birthday ko kung saan naghalikan kami ni Spiro.

Hindi mawala sa isip ko ang kulay green na mata ni Ma'am Brie. Pwede kayang maging kulay green ang mata ng baby ko dahil anak na naman niya si Spiro at anak 'to ni Spiro. Kung magiging kulay green ang mata nito sigurado akong maraming magkakagusto sakanya.

Nalipat ang tingin ko sa pinto nang biglang may kumatok hindi na nito hinintay ang pagsagot ko. May pumasok na kasambahay na may dalang pagkain ay na kampante ako medyo ayoko kasi makita si Spiro ngayon. Siguro dahil pinaglilihian ko siya pero sana naman hindi niya maging kamukha. Sana ako maging kamukha kahawig na nga niya si Skyros, pati ba naman 'tong baby ko?

"Good afternoon, Ma'am. Meryenda po kayo." Tinignan ko yung dala niya. Mga lumpia iyon at may sawsawan pa.

"Wow, sinong nagluto? Mukhng masarap, ah." Dahan dahan niyang nilagay 'yon sa ibabaw ng kama ko.

"Pinadeliver po ni Sir Spiro, meryenda niyo raw po at para hindi magutom ang baby." Ngumiti ito at bahagyang tinanaw ang t'yan ko.

"Si Skyros po ba nasaan na? Sino raw ang susundo sa anak ko?" Inumpisahan kong kainin ang padala ni Spiro. Giniling pala ang sahog kaya sobrang sarap!

"Si Ma'am Keinna raw po. Susunduin niya rin daw kasi si Asteria," Marahan lang akong tumango. "May iuutos pa ho kayo, Ma'am?" Ngumuso ako at tinignan ang nasa paligid kong masyadong makalat.

"Pwede ho bang pakilinis ng kwarto? May mga kalat kasi ng acrylic paint." Sinubukan kong ngumiti dito. Akala ko magrereklamo siya dahil hindi naman niya ito kalat pero siya ang maglilinis nito.

"Sige po, Ma'am. Kukuha po ako ng walis at mop."

Pinanood ko siyang lumabas ng kwarto ko. Tumulala naman ako pagkatapos dahil bigla akong nainip. Hindi ko sure kung anong oras pupunta si Zero pero nasabi nito na bandang hapon daw.

Bumalik nga ang kasambahay para linisin ang kalat ko. Pinunasan ko rin ang kamay ko dahil gusto kong lumabas.

"Ate, lalabas sana ako." Pagpapa-cute ko sakanya.

"Opo, Ma'am. Tatawag po ako ng bubuhat sainyo mamaya." Unti unti naman akong napangiti.

Biglang dumaan sa isip ko ang fiancé ni Spiro. Pumupunta kaya rito ang babaeng 'yon? Sana hindi. Baka makita niya pa akong nakaganito at baka kung ano pa ang isipin niya.

Trapped with Spiro GrayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora