TWSG : 4

34.3K 685 33
                                    

CHAPTER 4

PHAMELA

        "PHAM! YOU'RE HERE---" Natigilan ang masayang si Gino sa pagbubukas ng gate nila nang makitang may kasama ako. "Uh, sino siya?" Sabay turo niya kay Spiro na nasa likod ko.

"Gino, siya si Spiro," Hinarap ko yung isa. "Spiro, siya si Gino, ka-group ko sa project." Nakita ko ang pag-ngiwi ni Gino pero sinikap niya pa ring ngumiti. "Uh, anak ng nagpapaaral sakin."

"Ah, h-hi, kuya." Parang hihimatayin siya. Is he okay? "Gagawa lang po kami ng project ni Phamela sa english. Nandito po parents ko and... And... magka-group kasi kami kaya ganito. Pwede niyo na po siyang iwan dito."

"Do you think I'm going to leave her here alone? I'll go with her." Gustohin ko mang kumontra, alam kong wala rin akong magagawa.

"A-ah, ganon ba. Sandali." Nagmamadaling pumasok si Gino at paglabas niya may mga hawak na siyang bond papers at inabot ang mga 'yon sakin.

"Gino? Bakit?"

"Magsarili na lang tayo, Pham. After mong sagutan 'yan, i-send mo sakin at i-sesend ko rin yung akin sayo. S-sige." Natataranta itong bumalik at pumasok sa loob ng bahay nila.

"Asshole." Spiro murmured.

"Bakit kaya..." Tinignan ko ang bond papers na binigay sakin ni Gino. Madali lang naman 'to dahil nakinig ako. Super easy.

"Can you do that alone? Or should I go to your teacher para ipares ka sa iba?" Biglang tanong ni Spiro.

"Hindi na. Ayos na itong ganito. Kaya kong sagutan 'to nang mag-isa." Wala sa sarili kong sabi habang binabasa ang unang tanong.

"You need help?" I shook my head.

"Ayos lang ako. Uwi na tayo." He nodded and opened the door for me again. "Salamat." I said.

Nang makauwi na kami ay naging mas mabilis ang oras. Tinapos ko lang ang project ko bago ko tinulungan si Eirene sa project niya.

"Shit! Puro glue na ako!" Reklamo nito kaya inabutan ko siya ng alcohol at tissue. "Thanks." Nilagyan ko ng konti pang design at glitters ang project niya para mas magandang tignan.

"May iba ka pa bang school works maliban dito? Wala naman akong ibang gagawin kaya pwede pa kitang tulungan." She smiled.

"Talaga? Hulog ka talaga ng langit, Ate Pham!" Niyakap niya pa ako kaya natawa ako.

"May iba ka pang gagawin? Si Keinna pala? Kamusta?" Wala na kasi si Keinna dito nang makauwi kami ni Spiro.

"She's okay na..." Sambit niya sa gitna ng paghahanap sa side table niya. "Where is it?"

"Ang alin?"

"Yung flashdrive— Oh! Na kay Kuya pala. Nagpatulong kasi ako magpa-download ng movie kahapon. I want to watch movie sana with you, Ate Phamela. Can you get the flashdrive ba sa room niya sa ibabaw ng table? While liligo muna ako?" Bahagyang nanlaki ang mata ko. Papasukin ko ang kwarto no'n?

"Ha? Baka tulog na 'yon?"

"Edi pumasok ka na lang. Don't knock para hindi siya magising. Please!" Nag-puppy eyes pa siya kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango.

"Thank you!" Pumasok na siya sa cr ng kwarto niya kaya lumabas na ako.

Magkatabi lang ang kwarto nila ni Spiro kaya mabilis lang akong nakarating do'n. Katulad ng sinabi ni Eirene, hindi na ako kumatok dahil tulog na ang kuya niya.

Dahan dahan kong binuksan 'yon. Pero shit! Hindi pa naman tulog si Spiro! Wala siya sa kama at hindi ko alam kung nasaan. Lumabas kaya siya?

Kusang naglakad ang mga paa ko at lumapit sa table dahil nakita ko agad ang pink na flashdrive.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now