TWSG : 35

34K 559 56
                                    

CHAPTER 35

PHAMELA

"DON'T RUN." Natigil ako sa balak kong pagtakbo papasok ng bahay. Tinignan ko si Spiro na hindi ko makitaan ng kahit anong emosyon. Nakita ko ang anak ni Cecil na si Buchok na tulala kay Spiro.

"Hala! Yung Papa ni Skyros!" Nabaling ang tingin ni Spiro sa bata. Matalim agad akong tinignan ni Spiro. Guilty ako kaya tatanggapin ko ang galit niya.

"Pinalitan namin yung kulay ng gate..." Ngumiwi ako. Ano naman ngayon, aber? Kahiya ka, Phamela!

Hindi niya ako pinansin at naunang pumasok. Pinigilan ko agad siya dahil baka himatayin si Skyros kapag nakita ang Papa niya na bigla na lang sumulpot.

"Kakausapin ko muna si Sky..." Kumunot ang noo niya at inalis ang kamay kong nakahawak sakanya.

"I don't take orders from someone like you." Unti unti kong binaba ang kamay ko at marahang tumango. Nauna siya papasok sa bahay habang nakasunod ako.

Naabutan kong humahalakhak si Nikos, Peach, at Skyros. Nakatalikod ang bata samin. Unti unting nanlaki ang mata ni Peach nang makita kami. Hindi niya siguro inaasahang dala ko na agad si Spiro. Na-alarma naman si Nikos.

"Sky..." Marahan kong tawag sa anak. Lumingon ito at agad namilog ang mga mata. Tumayo siya at pumunta sa harap namin. Nakatingala siya kay Spiro at gulat na gulat. Nilapitan ko agad siya. Lumuhod ako para mag-pantay kami.

"Sa kwarto muna tayo, Nikos..." Sambit ni Peach.

"Sa kwarto ako ni Phamela." Ngumiwi si Peach habang nauna nang pumasok sa kwarto niya para makaiwas kay Spiro.

Akala ko ba sasamahan niya ako?

"Mama..." Ngumiti ako rito. Hindi ko alam kung may magic ba ang batang 'to na t'wing tinatawag niya akong 'Mama' ay lumolobo ang puso ko.

"Natupad ni Mama ang promise sayo..." Hinawi ko ang buhok niya. "Kasama ko na si Papa." Umangat agad ang luha niya bago tinignan si Spiro na tulala kay Sky.

Suminghot si Sky habang nakatingin kay Spiro. Naninikip ang dibdib ko dahil sa nakikita. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba kung bakit nasasaktan ng ganito ang anak ko? Mali ba ang naging desisyon ko?

Pero paano kung pinili kong manatili noon? Tutulad lang sakin ang anak ko. Mas lalong hindi ko kayang mangyari 'yon! Siguro kahit pagbali-baliktarin man natin ang mundo, 'yon at 'yon parin ang magiging desisyon ko.

"Papa..." Tumayo ako at umatras para bigyan sila ng oras. Nakita ko ang pagka-mangha sa mga mata ni Spiro nang lumapit si Sky sakanya at nang tinawag siya nitong 'Papa'

"H-hey." Mariin kong kinagat ang labi ko nang mabasag ang boses ni Spiro.

"Ikaw po talaga papa ko?" Pinagmasdan ko si Sky na naka-sando at shorts. "Dito ka po talaga?"

"Yes..." Lumuhod ito sa harap ni Sky. He can't take off his eyes of him.

"Totoo po pala sinasabi ni Mama na ikaw yung nasa picture sa building." Nalipat ang tingin sakin ni Spiro. Umiwas lang ako ng tingin. Alam naman siguro niya na 'yung billboard ang tinutukoy ng anak ko.

"Right. A-ako 'yon." Hinuli niya ang maliit na kamay ni Sky.

"Bakit po nandon ka, Papa?"

"Sikat ako, e." Parang umurong ang luha ko sa sinagot niya.

"Po?"

"I mean, uh..." Lumikot ang mata nito.

"Magkamukha po tayo, Papa. Alam mo po, lagi kitang hinihintay umuwi sa bahay katulad ng kalaro ko, lagi nila hinihintay Papa nila umuwi pero sakanila po umuuwi yung Papa nila pero ikaw po hindi." Nag-badya ang mga luha ni Spiro sa sinabi ng bata. "Si Mama lang po umuuwi, hindi ikaw..."

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now