TWSG : 14

31.8K 535 13
                                    

CHAPTER 14

PHAMELA

           "ATE PHAMELA, bakit ang lalim ng eyebags mo? Hindi ka ba nakatulog nang maayos? May humilik ba?" Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita si Eirene habang nasa van kami.

"Ha? Ah, wala naman. Hindi lang kasi tuloy tuloy ang tulog ko." Tumingin ako sa bintana dahil ako na naman ang nandito. Nagmamaneho si Garret dahil tulog si Spiro sa tabi niya.

"Weird. Parehas kayo ni Spiro. Tignan mo, tulog." Asungot ni Garret na nakasalamin pa habanag nagmamaneho.

"Oo nga." Nagpalipat lipat yung tingin ni Eirene namin kaya pumikit na lang ako at nagkunwaring matutulog din.

"Baka namamahay." Sambit ni Ellis na nasa likod. Hindi ko alam pero may feeling ako na niligtas ni Ellis ang image ko banda ro'n.

Nag-iwas ako ng tingin at tumulala na lang sa bintana. Kahapon, anniversary ng Lolo't Lola nila kaya nag-overnight kami sa mansion ng mga matatanda. Biglaan 'yon pero wala namang naging problema.

Nag-swimming lang kami kagabi bago kami natulog sa iisang kwarto lahat. May nangyari lang kagabi na... hindi ko gusto o ginusto ko naman pero hiyang hiya ako sa sarili ko at ayaw ko nang alalahanin pa dahil mali. Maling mali 'yon.

At alam kong sa side niya, mali rin ang naiisip niyang 'yon kaya hindi niya na sinubukang kausapin ako tungkol do'n.

Dumagdag pa noong birthday ko. Noong hinalikan niya ako. Hindi ko alam pero gustong gusto kong umiiwas sakanya dahil sa hiya habang parang normal lang sakanya. Na para bang walang nangyari. Na para bang hindi niya ako hinalikan.

Umayos ako ng upo dahil bigla akong naging hindi komportable sa pwesto.

"Do you want to sleep? You can sleep here." Sambit ni Eirene bago nginuso ang balikat niya. "I think you need to sleep. Mukhang puyat ka na talaga, Ate Pham."

"Okay lang." Ngumisi ako at tumingin na lang sa bintana.

Ano na ang gagawin ko? For sure magiging awkward 'to samin lalo na dahil sa nangyari kagabi! Mariin akong napapikit. Ayaw ko nang alalahanin! Nakakahiya! Sakanya at sa buong pamilya niya.

"We're here!" Sambit ni Garret bago tumigil ang van sa harap ng bahay nila.

Dahil ako ang nasa tabi ng pinto ay ako ang naunang lumabas. Nakita kong papalabas na rin si Spiro kaya sumiksik ako kay Ellis. Gising na siya!

"Let's go home na?" Lumapit sakin si Eirene na nakahawak kay Eirlys. "I know you're tired, Ate Phamela." Biglang sumulpot sa likod niya si Spiro na mukhang naghihintay rin sakin at sa mga kapatid niya.

"Ha? Uhm..." Anong sasabihin ko? Gusto kong umuwi na pero ayokong makasama si Spiro! Sigurado akong kakausapin njya ako about sa nangyari! O baka hindi naman at assuming lang ako.

"She's going to stay in our house for a bit, Eirene." Biglang sambit ni Ellis.

"Really? For what?" Takang tanong ni Eirene.

"Well..." Ellis is lacking with her words!

"Ate, uwi na tayo. I'm still sleepy." Paglalambing ni Eirlys sakanya kaya bumaling ang tingin nito kay Eirlys. She really loves her sister.

"Okay, baby." Ngumiti muna si Eirene samin bago sila naglakad pauwi. Hindi na ako nagtangkang tumingin pa kay Spiro dahil pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa kaba.

"Well, let's go inside?" Yaya ni Ellis kaya tumango ako.

Nakita ko si Garret na nakikipag-usap sa kasambahay nila about sa gusto nitong pagkain. Tumango ito sakin nang makita niyang kasunod ako ni Ellis.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon