TWSG : 23

29.9K 512 8
                                    

CHAPTER 23

PHAMELA

                "PHAM, SINO YUNG sumusunod sa likod natin?" Tanong ni Garret kaya napaayos ako ng upo ay nilingon din ang nasa likuran namin. Si Spiro ang nagmamaneho at nasa harapan naman si Garret. Napag-tanto ko rin na si Nikos ang nasa likod namin.

"Si Nikos 'yon. Pupunta siya sa bahay." Nanlaki ang mga mata nito.

"Talaga? Bakit daw? Manliligaw? Bata ka pa, ah? Lagot 'yan kila Tito!" Winagayway niya pa ang hintuturo para takutin ako.

"Hindi 'yon nanliligaw, 'no! Hindi ako nagpapaligaw." Tumawa si Spiro sa harapan.

"Oh, anong gagawin niyo sa bahay? Anong full name no'n?" Hindi mawala sa isip ni Garret ang pagpunta ni Nikos sa bahay.

"Nikos Aquino." Simpleng sagot bago tinanaw si Nikos na nakasunod samin.

"Aquino? Familiar, huh." Tumango ako rito dahik familiar naman talaga si Nikos. Basketball player 'yan sa senior high kahit daw noong junior high.

"Basketball player siya, Garret." Tumango siya at tinignan muli si Nikos.

Hindi naman gano'n katagal ang naging byahe namin pauwi. Nauna na si Garret umuwi habang si Spiro naman ay hinintay ako habang hinihintay ko si Nikos.

Nag-park ito sa harap ng bahay. Bumuntong hininga si Spiro sa gilid ko dahil kay Nikos. Ngumiti lang ako kay Spiro habang matalim ang tingin niya kay Nikos.

"Hey, Pham..." Bati ni Nikos pagka-alis ng helmet niya. Ginulo niya pa ang buhok habang unti unting lumalapit samin.

"Hello, uhm... Pasok na tayo." Nilingon ko si Spiro na nauna nang pumasok habang nakasunod kami ni Nikos.

"Nice house." Sambit ni Nikos sa gilid ko. Ngumiti lang ako rito hanggang sa makarating kami sa salas.

"Uh, magbibihis lang ako, ha? Magpapahanda ako ng meryenda." Tumango siya at bahagyang nailang sa presensya ni Logan? Anong ginagawa niya rito at kasama niya pa ang kapatid niya? Papalabas na sila.

"Hi, Phams!" Ngumisi ang dalawa pero naging seryoso ang tingin nang lumipat ang mga 'yon kay Nikos. "Suitor?"

"Hindi! Classmate ko siya." Tumango ang dalawa. Deretsyo silang lumabas kaya hinarap ko na si Nikos. "Pasensya ka na. Maupo ka muna..."

"Thank you."

Dumiretsyo ako sa kwarto ko para magbihis pero nagulat ako nang makita kong nando'n si Spiro sa kwarto ko at nanonod ng movie sa kanyang laptop!

"A-anong ginagawa mo rito?" Nag-angat siya ng tingin sakin. Naka-uniform pants na lang siya habang hubad ang pang-itaas.

"Gusto ko dito." Malamig niyang tugon. "Isang oras lang, Phamela at aalis na tayo." I gulped because of his serious voice.

"Oo naman..."

Tumalikod ako sakanya at hinubad ang uniform ko. Undergarments ang ang tinira ko habang naghahanap ako ng t-shirt at shorts.

"Are you teasing me, Phamela?" Galit na tanong ni Spiro sa likod ko kaya mabilis ko siyang nilingon. Nagbaba agad ang tingin niya sa katawan ko at napadaing pa!

"Anong sinasabi mo r'yan? Nagbibihis lang ako rito... Manood ka na nga lang sa laptop mo! O kaya bumalik ka na sa kwarto mo dahil baka may makakita pa sayo dito." Umirap ako habang nagbibihis.

"Ano naman kung may makakita sakin dito? As if naman pag-iisipan nila ako ng masama." Umiling ako at lumapit sakanya dahil nando'n ang bag ko.

Kinuha ko ang libro at ang laptop sa gilid sa ibabaw ng study table ko. Lumabas agad ako ng kwarto dahil iba na ang tingin sakin ni Spiro! Parang anytime ay kakainin niya ako!

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now