TWSG : 21

29.6K 599 105
                                    

CHAPTER 21

PHAMELA

              "NASAN NA BA 'yon? Nabo-bored na 'ko." Umirap si Garret habang kinakalikot ang phone niya. Dapat libro ang binabasa nito at hindi ang kung ano ano. Mabuti na lang hindi gumagaya sakanya si Ellis.

Nasa swing kami sa Campus at dito naghihintay kay Spiro. Sasakyan kasi ni Spiro ang dala namin kanina at hindi ang kotse ni Garret. Pumunta kasi si Spiro sa office ni Miss Kaila 10 minutes ago.

"Shit! Hindi ko na kaya ang boredom, Pham. Bili muna tayo sa Cafeteria ng ice cream." Hindi pa ako nakaka-oo nang hinila niya ako papunta aa Cafeteria. Kanina pa nakaalis ang mga kaibigan nila kaya kami na lang ang nandito.

May mga students pa sa Cafeteria pagdating namin. Lumipat ang tingin nila samin, especially kay Garret na humahawi pa sa buhok at nagpapa-cute sa mga magagandang babae.

"Pili ka na. Libre ko." Napangiti ako bago kumuha ng coffee crumble na flavor. This is my favorite maliban sa oreo.

Umupo si Garret sa bakante kaya umupo rin ako. Hindi ako mapakali dahil nandon si Spiro! We all knew that Miss Kaila has hots for Spiro! Baka akitin niya ito?

"Garret, wala ka bang pupuntahan?" Gusto kong pumuslit para puntahan na si Spiro doon.

"Hmm... Meron. May inutos sakin si Tita Crizia na kunin ko raw yung gown sa bandang Makati para raw sa kaibigan niya. Papahatid nga 'ko kay Spiro, e." Napatango ako.

"Rush ba?" Ngumuso siya at napaisip. Halos tumirik ang mata ko sa inip dahil sa pag-iisip niya.

"Oo. May date ako mamaya, e." Humalakhak siya kaya tumayo ako. "Oh? San punta?" Para akong matatae sa ngiti na binigay ko sakanya.

"Locker! Nakalimutan kong kumuha ng libro. Babalik ako agad." Kinuha ko na ang bag.

"Ha? Sama na ako!"

"Hindi na! Babalik ako agad."

Tumakbo na 'ko para takasan siya. Sa building ako ng mga teacher dumiretsyo. Sumakay na rin ako ng elevator at nagpahatid sa floor ni Miss Kaila. Dahan dahan lang ang lakad ko papunta sa opisina niya.

Bakit ba kasi pinatawag pa siya ng bruhang 'yon? Hindi naman niya sakop ang College kaya nakakapag-taka na pinatawag niya pa yung isa.

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi nang makitang bahagyang nakabukas ang pinto ng opisina ni Miss Kaila. Kulang na lang ay tanggalin ko na ang sapatos para hindi 'yon makalikha ng ingay sa tiles.

Yumuko ako at dahan dahang sinilip ang naroon. Medyo madilim. Bakit patay ang ilaw?

"I don't know, Mister Rivera. It seems like you're ignoring me..." Nanlaki ang mata ko nang maaninag ang dalawa sa table nito. Naka-upo si Spiro sa visitors chair habang ang bruhang 'yon ay nakaupo sa lamesa na para bang sinasadya niyang ipakita ang hita niya kay Spiro.

Nag-init agad ang ulo ko sa inis. Gusto kong batuhin ang babae ng sapatos sa ulo. Teacher siya! She's not a good role model to us! She's flirting with a student! She's flirting with my boyfriend!

"What? Hindi ako umiiwas, Miss Kaila." Malanding tumawa ang babae sa sinagot ni Spiro.

"You know that I like you, Spiro. Not because you're good looking and rich, but because I like your attitude. You can play." Nag-tangis ang ngipin ko sa galit nang hinila niya ang kurbata ni Spiro.

"But I'm not ignoring anyone." Hinila niya pa lalo ang kurbata ni Spiro. Ang lalaki naman ay walang ibang nagawa kung hindi tumayo sa pagitan ng hita ng haliparot na 'to!

Trapped with Spiro Grayحيث تعيش القصص. اكتشف الآن