TWSG : 16

31.6K 579 20
                                    

CHAPTER 16

PHAMELA

          "SPIRO! ANO BA 'YUNG sinabi mo ro'n sa matanda? Baka kung anong isipin no'n! Baka isipin no'n sa school pa tayo nag-milagro." Gigil kong tanong nang mapunta kami ni Spiro sa gawing shower room ng boys.

"So what? Ano ngayon kung isipin ng matandang 'yon na may ginawa tayo?" Nagtangis ang ngipin ko sa inis dahil sa sinagot niya.

"Okay lang sayo na isipin niya 'yon? Dito pa sa school?" Napangiwi ako. Kanina ko pa siya gustong hambalusin.

"Why? Saan mo gustong isipin niya kung saan natin ginawa?" Bigla siyang ngumisi at humakbang palapit sakin. Katulad ng nakagawian ay napaatras ako.

"B-bakit ka ba lumalapit?" Bumagsak muli ang tingin niya sa labi ko kaya halos mangatog ang hita ko lalo na nang tumama ang likod ko sa pader kakaatras. Nilapit niya ang mukha sakit hanggang sa naging mas magka-lebel ang labi niya ay tenga ko.

"Saan mo gustong gawin, Phamela? I'm sure na ayaw mo rito. Where do you want? A grand hotel? In your room? In my room? You can choose." Hinawakan ko ang dibdib niya para itulak siya pero hindi siya natinag.

"Spiro, baka may makakita satin." May mga nage-eroll na rin kasi.

"Where do you want? Hmm? I can afford anything, Pham." Hinawakan niya na ang bewang ko kaya nataranta ako. "Don't worry, I can wait. I just want to know where do you want."

"Lumayo ka kung hindi ay sisipain ko 'yang betlog mo." Napalayo siya. Nagulat sa pangbabanta ko.

"You can do that?" Tumango ako sakanya.

"Oo."

"Nah. Ayaw mo bang magka-anak? Bakit mo sisipain 'to? Gusto mo bang mag-asawa ng lalaking hindi ka kayang bigyan ng anak?" Nalaglag ang panga ko.

"Anong sinasabi mo?!" Mas ngumisi siya at hinaplos ang pisngi ko.

"Nagbibiro lang ako. Sungit mo." Kumunot ang noo ko sakanya. Nanuyo na rin ang labi ko kaya binasa ko ito, sinundan naman niya ng tingin ang labi ko. "Damn... Ganda mo talaga."

"H-ha?" Nag-init ang pisngi ko.

"Our school is full of assholes. Kung ayaw mong magulo ka rito, sabihin mo lang ang pangalan ko. Understood?" Kusa akong tumango sakanya.

"U-understood." Ngumuso siya at pinaglaruan ang buhok ko.

"Bilisan mo na lumaki, Phamela." Nanlaki ang mata ko. Hindi pa ba ako malaki? Ang tangkad ko kaya. "After your graduation in college, I'll marry you." Wala sa sariling naitulak ko siya.

"Baliw ka ba? Nasa kasalanan na ang utak mo. Tumigil ka, ha. Siguro akong magkakagusto ka rin sa iba." Mahina siyang tumawa kaya nasilayan ko ang perpekto niyang mga ngipin.

"Attracted with someone else? Maybe yes. But loving other girl in this lifetime? I don't think I can do that." Napakurap ako ng ilang beses sakanya.

"A-anong ibig mong sabihin? Mahal mo 'ko?" Ngumuso siya ay umiling. Para akong binagsakan ng langit at lupa.

"I don't know yet. Malalaman natin soon. But one thing is so sure about my feeling to you, I like you a lot, Phamela." Hindi ako nakapag salita. Hindi naman ito ang first time na sinabi niya 'yon pero parang palaging first time.

"Uhm..." Wala na akong masabi kung hindi 'yon! "Tsaka mo na sabihin ang sa kasal na 'yon kung talagang sigurado ka na. Kapag parehas na tayong successful."

"I can afford everything." Hindi ako sumagot kaya napabuga siya ng hangin. "Fine. Tumingin ka ng magandang pwedeng puntahan na resort para sa birthday ko. Your decision is my decision." Pagkatapos ay inakbayan niya ako.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now