TWSG : 24

30.5K 492 27
                                    

CHAPTER 24

PHAMELA

               "AKO ANG PIPILI ng movie." Tinignan ko si Spiro na hindi maalis ang tingin sa screen kung nasaan ang listahan ng mga movie. Para siyang bata na excited sa sinehan.

"Pero ako yung girlfriend, dapat ako yung mamimili." Sagot ko kaya naalis at tingin niya do'n at sakin lumipat. Gano'n ang nakikita ko sa mga palabas, e.

"I have this movie in my mind. I really want to watch it. You will like it, I promise." Napilitan akong tumango kahit na gusto ko pang sumagot.

Sometimes?! Ikaw nga ang pumili ng dress ko. Ikaw din ang nag-desisyon sa research ko tapos pati kanina sa pagkain ay nagreklamo ka sa konti ng kinakain ko!

"Bibili muna ako ng popcorn pati drinks..." Marahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi siya nagpatinag. He glared at me.

"Mamaya na." Tinignan niya ang bilihan ng popcorn. May grupo ng kalalakihan do'n na tumitingin tingin sa banda namin. Nag-iwas agad ako ng tingin at bahagyang nahiya.

"O-okay..." Umusog ako palapit sakanya. Umakbay siya sakin habang bumibili siya ng ticket. Pinaglalaruan niya rin ang kamay ko habang nag-aabot ng pera.

Inabot niya sakin ang ticket bago kami lumapit sa bilihan ng popcorn. Nakapulupot ang kamay ni Spiro sa bewang ko habang bumibili ako ng popcorn. Panay rin ang amoy niya sa buhok ko. Ngumuso ako at tinignan siya.

"Bango mo..." He whispered. Mahina akong tumawa. "Are you wearing a shorts?"

"Cycling." Tumango siya. Kinuha niya ang mga pinamili namin bago kami pumasok sa sinehan. Starting na rin kasi ang movie.

Sa dulo ang kinuhang upuan ni Spiro, sa bandang gilid. Pinauna niya akong umakyat dahil nakasunod ang mga kalalakihan samin! Mabuti na lang at hindi namin sila kahilera ng upuan. Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang mga commercial.

"Are you cold?" Tanong niya.

"Hindi." Pinagpahinga niya ang kamay sa ibabaw ng hita ko. Hinagkan niya ako. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Why is he acting like this? He is being extra touchy! "Clingy..." Umayos siya bigla ng upo.

"What? I'm not." Tumawa lang ako rito.

I touched my chest. Sumunod naman ang tingin niya sa dibdib ko kaya nag-taas ako ng kilay. Ano naman kayang tinitignan ng isang ito?

"Are you thirsty?" Tumango ako. Inabot niya sakin ang softdrinks na ininuman ko naman agad. Binalik ko 'yon agad sakanya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa movie dahil nagsimula na ito!

"Anong movie ba ito?"

"Horror movie." Ngumuso ako.

Nakatutok ang mga mata ko sa screen nang magsimula ito habang balisa naman si Spiro tabi ko at hinahaplos ang aking hita. Hinawakan ko 'yon para mapirmi ang kamay niya. He chuckled because of what I did.

Hinilig niya ako sa balikat niya pero tumanggi ako. Ayokong makatulog, 'no!

Busy'ng busy ako sa panonood nang hinarap ako ni Spiro at marahang hinalikan. Hindi ako makapikit dahil gandang ganda ako sa movie!

"Oh my, God!" Sigaw ko nang may nakakagulat na scene. Ngumuso si Spiro sa ginawa kong paglayo. "Sorry." Ngumiti ako sakanya. "Nood ka na..."

Inakbayan niya ako. Nakatutok parin ang mga mata ko sa screen nang hinaplos niya ang cycling ko! Napababa ang tingin ko doon. Anong ginagawa niya?

"Spiro..." Marahan niya kasing hinihila ang cycling ko pababa. "B-bakit?" Inabot niya muli ang labi ko.

"I wanna touch you..." Umiling ako at marahas na inalis ang kamay niya roon. Ayoko ng iniisip niya! Ayokong gawin niya 'yon. Nag-date kami pero hindi para doon, hindi ba? Mamaya pa 'yon.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now