TWSG : 77

52K 715 76
                                    

CHAPTER 77

R-18

you made it this far! thank you so much for reading Phamela and Spiro's painful love story < 3

PHAMELA

                 "ANG KAPATID ko ang nakakuha ng bulaklak ko, siya ang susunod na ikakasal?" Kunot noong tanong ko habang umiinom ng wine na ibinigay samin. 

Nasa reception na kami ngayon at nagsasayawan ang mga tao dahil tapos na silang mag-bigay ng message para samin at naihagis ko na rin ang bulaklak. Now, nakaupo na kami ni Spiro ulit at pinagmamasdan sila. Naka-kandong naman ang anak namin sa hita niya dahil gustong makipag-laro ni Sky sa papa niya.

Nakapag-palit na rin ako ng dress na mas maiksi na ngayon dahil mahirap gumalaw kapag yung isang dress ang suot ko.

"Talaga po?!" Lumipat ang tingin ko kay Skyros na humahalakhak dahil sa bulungan nila ni Spiro. Sinenyasan niya ito na huwag maingay.

"Pst," Sabay silang lumingon sakin. "Anong pinag-bubulungan niyo riyan?" Ngumuso naman ang anak ko.

"Secret po, e." Umangat ang kilay ko do'n. I arched my brow at Spiro. Magrereklmano na sana ako nang biglang sumulpot si Ellis.

"Pham, let's go! Let's drink!" Tumango naman agad ako bago ko binalingan ng tingin sina Spiro.

"Dito lang kayo, ha? Iinom lang ako ro'n." Humalakhak na naman si Spiro sa sinabi ko.

Hindi ko na lang siya pinansin do'n dahil feeling ko ay aasarin niya lang ako. Lumapit ako kina Keinna kasama ang iba pang mga babaeng pinsan ni Spiro na kanya kanya naring umiinom.

"Here's the bride!" Anunsyo ni Ellis.

"Nako, 'wag natin masyadong lasingin si Phamela. May balak pa 'yang gawin sa asawa niya mamaya at baka bigla pang makatulog." Nag-tawanan sila sa sinabing 'yon ni Peach. Uminit lang pisngi ko.

"Hindi ko gagawin 'yon!" Nag-tawanan ulit sila.

"Ano bang plano ni ate Phamela kay kuya?" Ngumuso si Snow. Napangiwi at gusto kong takpan ang tenga niya pero naalala kong matanda na rin pala ang isang 'to at hindi na baby.

"Wala akong plano," Lumakas ang tawa ni Eirene.

"Buko juice, girl! Haha! Tatlong taon rin 'yon. Who will not be able to walk tomorrow? It will be ate Phamela!"

"Really?! Gagawin mo 'yon? Hmm... I'll try it next time, too." Namilog ang mga mata ni Eirene sa sinabi ni Snow.

"God! Hindi ako sanay, Eirlys! You're my baby sister!"

Tumagal pa kami ng ilang saglit doon bago ko nakita si Nikos at Peach na pasimpleng naglalandian sa gilid. Lumapit rin naman bigla si Twyla sakanila dala ang sariling anak. Her infant baby.

Lumapit na rin ako. Ngumiti agad sakin si Twyla at hinaplos ang likod ko.

"Ang ganda mo talaga, Phamela. Bakit hindi mo ipahinga ang buhok mo?" Ngumuso ako at hinawakan din ang buhok kong naka-updo parin.

"Hindi ko kasi alam kung paano 'to tanggalin dahil baka makalbo ako nito. Wala rin akong suklay."

"I have brush. Ako na ang tutulong sayo." Hindi naman ako tumutol. Iniwan niya ang kanyang infant baby kina Nikos bago kami sabay na pumunta sa cr.

Umalis muna siya saglit at pagbalik niya, may dala siyang maliit na blower at purse. "Let's go?" I nodded.

Nakita ko pang umangat ang kilay ni Spiro nang makita kami.

Maingat at maayos na nilugay niya ang buhok ko. Ang ilan pa ro'n ay bahagyang naninigas dahil sa hair spray. Nakakahiya kay Spiro ito mamaya sa honeymoon namin.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon