TWSG : 11

31.3K 589 117
                                    

CHAPTER 11

PHAMELA

        "ARE YOU EXCITED, Pham pham? Senior high school ka na! I'm so happy for you, hija!" Yumakap sakin si Ma'am Brie sa sobrang tuwa.

"Maraming salamat po dahil kinuha niyo ako rito. Hinding hindi ko po kayo bibiguin." Nag-ningning ang mata niya sa sinabi ko.

"Hindi kami nagkamaling ikaw ang kinuha namin scholar, Pham pham. Thank you for helping my children." Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Birthday mo na sa susunod na araw, ah? Anong gusto mong regalo?"

"Nako! Wala po. Sobra sobra na po itong pagtulong niyo sakin. Hindi na po ako hihiling ng kahit ano." Ngumuso siya at napatingin sa likod ko kaya sumunod din ang tingin ko sa likod.

"Birthday mo?" Biglang sumulpot si Spiro at kumuha ng tubig.

Once in a blue moon lang ako pansinin nito. Iniiwasan ako.

"Sa susunod na araw pa." Tumango tango ito at hindi na sumagot.

"About the paper na nasa mail box, Pham pham. Are you planning to be a model? Doon sa maliit na agency? May kakilala si Tita Crizia mo na may-ari ng malaking agency, doon ka na lang kaya?" Nakita kong lumingon ang tsismosong si Spiro.

"Pinag-iisipan ko pa po. Gusto ko rin po kami mag-trabaho para hindi po ako asa ng asa sainyo." Sumimangot siya at umiling.

"Hindi naman kami naghihirap para mag-alala ka, Phamela. Ganito na lang, half of your salary, ipadala mo sa mother mo para may money siya don then yung other half is ipunin mo lang or ipangbili mo ng kahit ano." I bit my lower lip.

"Pinapayagan niyo po akong mag-model?"

"Ma, I don't want her to be a model." Sabat ni Spiro na hanggang ngayon ay nasa gilid pa rin namin.

"Why not, Spiro?"

"Magkakaro'n lang siya ng suitors." Umirap pa ito.

"Are you threatened?" Irap ni Ma'am Brie kaya umawang ang labi ni Spiro.

"Of course, not. Ang akin lang, dadami ang pupunta dito and I don't want that. Dapat mag-focus siya sa pag-aaral at hindi sa pagmomodelo."

"Pero-" Kokontra pa lang sana ako pero naunahan niya ako.

"Bakit? Nakukulangan ka ba sa allowance mo? Ako na magdadagdag kung nakukulangan ka. You don't need to enter modeling, Phamela." Matigas niyang sambit, hindi pinapansin ang presensya ng ina.

"Hindi naman sa ganon pero-"

"Then you have no specific reason to work. You are not going to enter modeling." Sumimangot ako. Bakit ba siya ang nagdedesisyon sa buhay ko?

"Wow. Hindi ko na-imagine na gusto mo pa lang maging sugar daddy, anak." Biglang sabat ni Ma'am Brie kaya namula agad ang pisngi ko. "Pansin ko lang, bagay kayo 'no?" My eyes widened.

"P-po?!" Para akong lalagutan ng hininga.

"Tss, Ma." Umirap si Spiro bago nag-walkout.

"Hindi na ako magtataka kung bukas bukas ay ipapakilala ka niya bilang girlfriend! I'm so excited to be your mother-in-law, Phamela." Ngumiwi ako.

"H-ho? Uhm... Hehe." Napakamot ako.

"Don't be shy! Magiging masayang masaya ako kung ikaw ang magiging daughter-in-law ko." Binasa ko ang ibabang labi ko dahil nanuyo ito bigla. "Imagine the babies from you? I can imagine them playing and running here, hihi. I'm sure magaganda at gwapo ang magiging anak niyo ni Spiro."

"W-wala po sa plano kong maging boyfriend ang anak niyo, Ma'am Brie." Ngumuso siya pero kalaunan ay ngumisi.

"Hindi mo sure."

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now