TWSG : 31

32.2K 581 34
                                    

CHAPTER 31

PHAMELA

                "CONGRATULATIONS!" Sinalubong ako ng yakap ni Ma'am Brianna habang pababa ako ng stage. Gano'n din ang ginawa ng iba. Eirene hugged me as tight as she could.

"I'm so proud of you, Ate Phamela." She smiled genuinely. Napangiti rin ako dahil do'n. "I'm so happy for you!" Niyakap niya ako ulit.

I'm stuck between being happy and being sad. Masaya ako dahil nakapag-tapos pa ako ng high school pero nalulungkot ako dahil napagdesisyunan kong magpaalam na mamaya. Baka bukas ay umalis na rin ako agad.

Nandito si Spiro pero hindi siya nakikihalo samin. Ni hindi ko na rin siya magawang tignan pa.

Kumain kami at nag-celebrate sa buong araw na 'yon. Kinagabihan naman ay tumawag ako kina Mama at Peach. Kahit gano'n ang mukha ng kapatid ko ay alam kong natutuwa siya para sakin.

["Anong kurso mo sa college, anak?"] Ngiti ni Mama. Napanis naman ang ngiti ko dahil sa tanong niya. Hindi na muna ako mag-aaral.

"Education po..." Ngiting ngiti siya. It feels and seems like I betrayed them.

["Masaya ako para sayo, anak. Pasensya ka na at hindi kami nakapunta."] Namuo ang luha ko at bahagyang tumango.

"Si Papa po?" Natigilan ito. Alam ko na agad ang sagot.

["Hayaan mo na ang papa mo."] Saglit akong nakaramdam ng galit para sa ama.

"Huwag niyo nang tanggapin si Papa. Hayaan niyo na lang si Peach sa bahay." Marahang tumango si Mama kaya napangiti ako. Peach and I talked about her studies pagkatapos namin mag-usap ni Mama.

Nakatitig ako sa salamin habang pinag-iisipan ang gagawin ko. 8 PM na at gising pa ang lahat. Nakita kong umiinom si Spiro sa likod ng bahay. Ewan ko ba at naging masungit 'yon simula noong sagutan namin sa pool. Hindi ko naman siya masisisi.

"Isipin mo ang anak mo, Phamela." Mariin kong tugon dahil nangingibabaw ang takot sa dibdib ko.

Lumabas ako ng kwarto para lang mabungaran si Spiro na nasa tapat ng pinto ko. Kumabog agad ang dibdib ko sa kaba. Hindi naman siya mukhang lasing.

"Bakit?" Tanong ko. Nag-angat siya ng tingin. His bloodshot eyes glared at me.

"Huwag ka nang umalis." Mariin niyang sambit. Napalunok agad ako dahil sa sinabi niya. Bakit na naman niya ako pinipigilan?

"Hindi pwede." Napabuga siya ng hangin.

"Lalayuan na kita. Hindi na kita guguluhin dito. Bubukod na ako, Phamela. Huwag ka nang umalis." Nangilid ang luha ko. Wala na ba akong ibang gagawin kung hindi umiyak?

"Kahit pumunta ka sa ibang bansa, aalis parin ako." I saw him gulped. He even cursed under his breath.

"Tell me your problem. Bakit bigla kang aalis?" Umiling ako.

"Kailangan ako samin." He sarcastically laughed.

"At hindi ka kailangan dito?" Mariin kong kinagat ang ibabang labi. "Hindi ka aalis."

"Hindi ko kailangan ng approval mo."

"Hindi ka aalis—"

"Nakakasakal ka."

Natahimik siya. Gulat sa sinabi ko. Wala na akong ibang paraan para ipagtabuyan siya. Kung kailangan kong saktan siya ay gagawin ko. Gagawin ko para makaalis dito.

"Nakakasakal ba talaga? O may gusto ka lang sa payatot na 'yon?" Tinutukoy niya si Nikos.

"Kung nagkagusto man ako sakanya, ano naman sayo? Patas lang tayo." Inalala ko ang mga babae niya.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon