TWSG : 58

38.2K 643 38
                                    

CHAPTER 58

PHAMELA

               HINDI NA ULIT kami nag-usap noong gabing 'yon. Kinabukasan ay pwede na dapat kaming umuwi sa penthouse ni Spiro pero pinigilan kami ni Ma'am Brie at sinabing tapusin na namin ang isang linggo para malaman din nila agad ang gender.

Wala akong ibang ginawa sa loob ng ilang araw kung hindi ang mag-paint pero puro angel na ang pinipinta ko. Maayos ang stay namin do'n not until Spiro went home with her fiancé.

Nakakapag lakad na ulit ako that time kaya halos matapilok ako sa gulat nang makitang nando'n sila. His fiancé is wearing her short shorts and dress shirt. Madalas na loose shirt ang suot ko kaya buti na lang at hindi 'yon nakita ng fiancé niya!

"Good afternoon..."

"Oh! You're here, too." Pilit na nguti sakin ni Cheska. Marahan akong tumango sakanya.

"Oo..." Obviously.

She nodded as she looked at Spiro. "Where's your room, love? Manonood tayo, right?" Tinignan ko si Spiro na seryosong tumango.

"Let's go upstairs."

Hinayaan ko silang umakyat sa kwarto ni Spiro. Bahala sila kung anong gusto nilang gawin d'yan. Umirap ako sa kawalan. Excited ako dahil bukas, malalaman na namin ang gender!

"Phamela," Biglang sumulpot si Ma'am Brie na may dalang paper bags. "Wala pa ba si Skyros?"

"Wala pa po," Humagikgik siya at hinaplos ang t'yan ko ng walang paalam. "Dumating po si Spiro pati yung fiancé niya, nasa kwarto po sila." Bahagya siyang natigilan.

"Are you okay?" Napakurap ako.

"Oo naman po." Ngumuso siya bago inangat ang mga paper bags.

"Look what I bought! Baby clothes! Binilhan ko rin si Skyros at binilhan din kita! Look!" Hinila niya ako papunta sa living room. Nagpatangay ako dahil wala naman akong karapatan na umangal.

Nag-umpisa siyang maglabas ng mga pang-baby na damit. Puro white, pink, brown, blue, animal prints, light colors 'yon. Napangiti ako at agad kong dinampot ang kulay pink.

"Bakit po parang mga pang-babae 'to? Wala pa naman pong gender." She shook her head.

"Feeling ko babae 'yan. Tignan mo nga ang hawak mo kulay pink." Tumawa ako sa sinabi niya. She's so cute!

Hindi ko maiwasang mapangiti. Bukas malalaman na namin! Kahit anong gender nito ay magiging masaya ako. This is my flesh and blood, 'no!

"Look! This dress looks good on you," Inaboy sakin ni Ma'am Brie ang dress na hawak niya. I bit my lower lip hard as I saw the white dress.

"Thank you po."

"Don't mention it," She chuckled.

"Dadalhin ko na po ito sa kwarto kasi baka bumaba si Spiro at ang fiancé niya, baka kung anong isipin tungkol sakin." Pilit siyang ngumiti as she nodded.

Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ng ilalagay ko sa kwarto ay bigla siyang nagsalita.

"Do you want to study, Phamela?" Natigilan ako.

"Oo naman po." I smiled bitterly. "But I lost the chance years ago. Sinayang ko lang po ang pagkakataon na 'yon." Umiling siya agad. She extended her hand to get mine.

"No, hija. You'll never lose the chance as long as you're willing. I don't want you to stay just like this. I still want you to be a teacher. I'm giving you a chance, Phamela. You're very smart. You can continue studying kapag nailabas mo na ang bata."

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now