TWSG : 27

29.5K 519 26
                                    

CHAPTER 27

PHAMELA

              "PREGNANCY TEST?" Tinignan ako ng babae sa drug store kinaumagahan. Friday ngayon at mamaya pa ang pasok pero sobrang aga kong nagising para bumili nitong pregnancy test. "Ilang taon ka na, miss?"

"20..." I lied. Matangkad naman ako kaya hindi mahahalata. Tumango siya at binentahan ako ng dalawang pregnancy test.

Nagmamadali akong bumalik sa bahay. Nanlalamig ang mga kamay ko nang pumunta ako sa CR. Wala ang parents nila pero nakita ko Eirene na pababa. Ngumisi lang ako rito.

Binasa ko ang instructions. Sinunod ko lahat. Hindi ko hinayaang magkamali ako dahil lagot ako! Dalawa ang nilagyan ko ng urine.

"Okay. Saglit lang 'yan. Negative 'yan." Hinarap ko ang sarili sa salamin. Nanginginig ako sa kaba pero alam kong walang magagawa 'yon. "Negative, please..."

Unti unting akong tumungo para makita ang resulta. Unti unting nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nakalagay doon. Halos bumigay rin ang tuhod ko sa gulat.

Pregnant

"Oh my, God." Hinawakan ko pa yung isa. Iisa lang ang sagot nito sakin. Pregnant. "Oh my, God..." Sinapo ko ang t'yan. "M-may baby dito?"

Nag-uunahan ang mga luha ko. Ewan ko ba at kinabahan ako para sa baby. Kagabi lang ay pinilit ko pang uminom ng pill! Paano kung may nangyari sakanya sa loob ko? Anong gagawin ko? Hindi talaga ako nag-iisip!

Nanginginig ang buong katawan ko nang binalik ko sa bag ang dalawang pregnancy test. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Lutang na lutang ako at hindi makapaniwala sa nalaman.

Saan siya nabuo? Sa kwarto ko? Sa kwarto niya? Sa hotel? Sa kotse?!

"Hey." Nangilid ang luha ko. "Pham..." Nagulat ako nang biglang may humalik sa pisngi ko. Muntik na akong mapahagulgol sa harap niya nang makita ko siya.

"S-spiro..." Inayos niya ang ilang hibla ng buhok kong takas.

"Why? Are you okay?" Umawang ang labi ko. Sasabihin ko? Baka magalit siya? Baka hindi niya matanggap? Baka ipalaglag niya?!

"Ayos lang ako." Umiwas ako ng tingin. "H-hindi ka ba papasok ngayon?"

"I'm free today. Ikaw? Hindi ka papasok? Ihahatid kita—"

"M-masama ang pakiramdam ko." Nilagpasan ko siya agad. Hindi ko kayang pumasok!

Nagkulong ako sa kwarto buong araw. Inisip ko kung anong gagawin ko. Kung paano na itong baby. Saan na kami ngayon? Kailangan kong tanggapin ang galit ni mama sa oras na malaman niya ito...

Aalis ako. Uuwi ako samin. I know it's selfish to hide our baby. Hindi pa naman buo ang desisyon ko. Pinupush lang ako ng kadahilanan na baka masira ko si Spiro. Baka masira ko sila. Hindi ko kaya 'yon. Mahal ko ang pamilyang 'to.

Pag-iisipan ko na lang ulit ito kapag natapos ko na ang Ms. Campus dahil sa lunes naman na 'yon.

———

     NANG MAG LUNES ay naging sobrang busy ko. Mahabang araw 'yon para sakin. Nauna akong pumasok dahil kailangan maaga ako roon. Iniwasan ko rin si Spiro dahil baka makahalata siya.

Ni pag-akyat sa hagdan papunta sa room ay ingat na ingat ako. Hindi dahil sa mali ang panahon na nabuntis ay hindi ko na iingatan ang baby.

Wala akong balak alisin ito.

"Phamela!" Natigil ako sa pag-akyat nang sumulpot si Nikos. "Good morning!" Ngumiti ako rito.

"Good morning din..." Kinuha niya ang bag ko. Binigay ko naman ng walang pag-aalinlangan. Hindi pa ako nakakapagpa-check up kaya hindi ko alam kung ano ang mga bawal.

Trapped with Spiro Grayजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें