TWSG : 76

46.1K 679 80
                                    

CHAPTER 76

PHAMELA

               "CAN WE CHANGE the style of her hair? I want her to be the most beautiful bride this year." Halos hindi maawat si Peach at Eirene sa gilid ko kaya pati ang mga baklang nagme-makeup sakin ay natataranta.

"Anong style po ba, ma'am?" Mahina akong tumawa dahil may pinakita pa itong picture na gusto para sa buhok ko. Isang messy updo hairstyle 'yon. "Okay! Madali lang 'to, ma'am!"

Ngumuso ako.

"Eirene, ang kuya mo, nasaan?" Tanong ko habang sinusuklayan nila ang kulot kong buhok.

"Nag-aayos na rin siya, why?" Umiling ako. I just can't wait to see him.

Two weeks matapos malaman ang resulta ng DNA test. Napag-alaman namin na negative yung results. That baby isn't Spiro's child at umamin rin si Cheska na wala talang nangyari sakanila at gusto lang niyang manira ng kasal since I ruined theirs.

I hated her dahil kinailangan niya pang gamitin ang anak niya. Now, hinahanap pa ata niya ang tatay noong bata.

And the medias, sabi ni Peach may mga reporter daw sa labas na naghihintay para sa kasal namin. We didn't let them in dahil ayoko ng gano'n. Mailalagay na naman ako sa TV pag-gano'n. Nasa buillboard na nga ang mukha ko, e.

Yes, katulad ni Spiro ay napunta na rin ang mukha ko roon. We had our pictorial at pinalagay niya ang picture naming dalawa. I tried to stop him pero ayaw niya. Now, may mga gusto pa atang pumunta sa kasal namin kahit hindi invited.

Let's go back sa DNA test. I felt relieved when it came up negative habang umiyak naman sa inis ni Cheska. Hindi ko alam kung anong iniiyak no'n kung alam naman niya in the first place na hindi talaga si Spiro yung tatay.

Spiro's parents pati na rin ang mga tito at tita niya ay matanda na. I have this feeling that someday, one of them will pass away kaya isu-suggest ko kay Spiro na sundan na namin si Sky para naman may maabutan sila samin maliban kay Sky.

"Mama!" Lumipat ang tingin ko kay Sky na naka-puting tuxedo na rin at tumatakbo palapit sakin. 

"Sky..." hinalikan ko ang pisngi niya. Napangiwi pa ito nang maramdaman ang lipstick ko! "Where's your papa?"

"Hindi ko po alam, e." Nag-kibit balikat ito. Ngumuso lang ako. Pinahid pa nito ang lipstick sa mukha niya na nailagay ko.

"Sky, baby, come here muna. Inaayusan pa ang mama mo. Her wedding will start in thirty minutes." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakabihis na ako at may makeup na. Inaayos na lang talaga ang buhok ko dahil ito ang gusto nina, Peach at Eirene. They're so happy for me and I'm happy for myself, too.

"Ang ganda ganda mo, Ma'am! Bakit hindi niyo hayaan pumasok kahit dalawang reporter? Kung ako lang may magandang mukha matulad n'yan, ipangangalandakan ko 'yan!" Natawa ako dahil do'n.

"Ayoko kasi ng maraming gaanong tao sa kasal ko." Pinakatitigan ko pa lalo ang itsura ko sa salamin.

Tumayo ako para tignan ang sarili ko. I bit my lower lip. Mamaya lang ay kasal na ako. I hope my parents are here, sana nakikita nila na ikinakasal ako ngayon. My daughter, Serine... I hope she's here, too.

Inaayos nina Peach ang gown ko dahil kukuhanan daw nila ako ng picture. Hawak ko na rin ang bulaklak ko at oras na lang ang hinihintay namin.

"Let's take a picture! I'm sure maiinggit si Keinna," humalakhak si Eirene. Keinna is busy kasi, dahil siya naman ang nag-aayos mismo sa lugar kung saan kami ikakasal.

Trapped with Spiro GrayWhere stories live. Discover now