TWSG : 7

31.5K 648 15
                                    

CHAPTER 7

      PHAMELA

          "MY HEAD! It hurts so bad." Reklamo ni Eirene habang bumababa ng hagdan para mag-breakfast. Mukha ngang masakit ang ulo niya dahil mukhang stress na siya sa buhay.

"Anong nangyari ba?" Tanong ko nang umupo siya sa tabi ko.

"I don't know. Na-late lang ako ng tulog then when I woke up, masakit na ang ulo ko. How ironic." Nagtaray pa ito. Inabot ko yung tubig sakanya. That will help for sure. "Thanks, ate Pham. I wish I have a big sister." Napangisi ako.

"Where's Mom and Dad?" Biglang sumulpot si Spiro. Siya na lang kasi ang kulang dito.

"Ah, may out of town daw sila. Maaga silang umalis kaya hindi na nakapagpaalam." Saad ko. Ako kasi yung pinakamaagang nagising ngayon kaya sakin na nila sinabi.

"Do you guys have a plan today?" Umangat ang tingin ko kay Spiro na biglang nagsalita. Bakit kaya?

"None. Why, kuya?" Si Kyle ang sumagot.

"I'll invite some friends here. We will make a little noise so... I wonder if we will disturb you." 

"What kind of noise?" Eirene asked. Spiro arched his brow bago tumikhim at bumalik sa pagkain. "As long as I won't hear anything disgusting, you are allowed to make noise, Kuya." Umirap ito.

"Such a green." Spiro whispered.

Ang alam ko wala rin akong gagawin ngayon. Siguro ako na lang magdidilig mamaya. Boring din kasi kapag walang pasok.

Nang matapos kaming kumain, dumiretsyo agad ako sa garden. Naabutan ko si ate Duls na nagdidilig. Isa sa kasambahay dito.

"Ate, ako na po."

"Naku! Buti na lang dumating ka, Phamela. Madami pa akong gagawin sa loob, e. Oh, ito." Inabot niya sakin yung pandilig. "Ikaw na muna bahala, ha? 'Wag mong lulunurin."

"Opo. Ako na pong bahala."

Pumunta ako sa mga rose. Favorite 'to ni Ma'am Brianna kasi ang ganda raw. Pulang pula. Maingat ko 'yong diniligan syempre. Lagot ako kapag nalunod 'to.

Sa kalagitnaan ng pagdidilig ko biglang may nag-ingay sa salas. Nilapag ko muna yung pandilig kasi baka mamaya akyat bahay na 'yon!

Napanguso ako nang makita ko yung mga dalawang babaeng kaibigan ni Spiro kasama ang tatlong lalaki. Hindi ko maalala kung anong pangalan nila.

"I saw Spiro nga nung isang gabi. May ka-dinner. I think she's rich too. Parehas yung school uniform niya sa uniform ng siblings ni Spiro. Pero parang bata pa, maybe highschool?" Nanlaki ang mata ko.

Ako ba yung pinag-uusapan nila?

"Baka naman si Eirene yung nakita mo? Yung sister ni Spiro." Sagot ng isang babae.

"Stupid! Straight ang buhok ni Eirene. Yung babaeng nakita ko is wavy yung buhok. Duh." Wala sa sarili kong dinampot ang sariling buhok. Kulot nga ito sa dulo. Ako nga yung nakita niya!

"Hey, chips?" Biglang sumulpot si Spir na may dalang chips. Nilapag niya 'yon sa lamesa. "Garret is on his way. Sagot niya alak."

"Your parents aren't here, Spiro?"

"Out of town." Simpleng sagot nito. Biglang sumulpot si Garret na tumatawa tawa pa.

Dinampot ko agad yung pandilig. Kadalasan kasi hinahanap niya ako kapag pumupunta rito. Baka hanapin niya ako bigla!

Glass wall dito kaya kita ko sila. Siguro hindi pa nila ako napapansin. Okay lang. Sana hindi nila ako mapansin. Nananahimik ako rito!

Pero shit! Nagtama paningin namin ni Garret. Lumaki ang ngisi niya at kumaway pa sakin. Dahilan kung bakit sila napatingin sakin!

Trapped with Spiro GrayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora